“I” thought “N” defined love (afgitmolfm)
Hello? May nag recommend kasi sa'yo na magaling ka daw magpayo… okay joke lang. Narinig ko lang kasi sa mga nakasabay ko sa jeep na pinag uusapan nila `tong site na ito and I just wanna give it a try at mukhang totoo nga.
Nagsend ako ng form to clear my mind.
So, ito na po ang kwento:
May boyfriend ako dati na tawagin na lang nating N. Si N ang masasabi kong ‘the perfect boyfriend’ kasi sobrang sweet niya, sobrang bait, sobrang gentleman–basta. Perfect. Halos lahat ng hinahanap ng babae, nasa kanya na–sobra pa.
Speaking of sobra, sobrang mahal namin ang isa`t isa. Minsan nagkakaproblema pero nasosolusyunan din naman. Typical relationship lang, di ba? Medyo nagkocaught lang ng attention ang relasyon namin kasi kami daw ang sweetest couple ng school–which is a compliment. I guess?
Then, umalis siya ng Pilipinas. Ang sabi niya sa akin noon, tatawag siya, magtetext siya basta–keep the communication lang pero hindi siya nagparamdam nung nawala siya. Pagkauwi niya, okay pa naman kami pero nung malapit na anniversary namin, unti-unti siyang naging cold hanggang sa pagdating ng 1 year namin, nakipag break siya.
Nakipagbreak siya sa akin nung akala kong siya na ang kahulugan love para sa akin.
Pagkabreak namin ni N, dito dumating sa eksena si A na kaschoolmate ko dati pero ngayon na nasunod ang bahay namin, nakatira na ako ngayon sa bahay niya na apartment ng tita ko. He’s an emotionless guy at talagang hindi kami nagkakasundo nung mga unang araw namin na nagsama kami sa iisang bubong. Ang sungit sungit at sobrang moody.
Kaya nagulat na lang ako nung nagbreak kami ni N, parang anghel si A na bumagsak sa lupa galing langit para alagaan ako. Hindi niya ako pinabayaan at hindi niya ako hinahayaang malungkot ng sobra dahil kay N. Nakakaloko lang kasi dati, halos palayasin na niya ako dito sa bahay namin tapos ngayon, grabe lang at minsan nakikita ko ang sarili ko na masaya dahil sa pag aalaga ni A.
Naguguluhan lang talaga ako kay N at A. Si N, nakipag break sa akin ng walang dahilan. Clueless ako at ang masakit pa nun, parang may bago na siya. Si A naman, ang weird na nga niya nung una, mas lalo pa akong naweirduhan sa kanya dahil sa pagiging mabait niya sa akin.
Ito po ang kwento ko, pasensya na kung mahaba–wala kasi akong ibang mapagsabihan nito. Ano po ang masasabi niyo sa kwento ko? Naguguluhan na po talaga kasi ako. Mahal ko si N, pero si A…
Last time nga po, inexpect kong hahalikan ako ni A. Ano na bang nangyayari sa akin? -___-
Ayun po, salamat in advance at sana marami pa kayong matulungan gamit ang advice blog na ito. :)
I. Teka, natatawa ako dun sa mga nakasabay mo sa jeep. Incase na nakasabay mo ulit sila sa jeep, pakisabi nagpapasalamat ako sa kanila dahil kundi dahil sa kanila, hindi mo malalaman ang site na ito. YAY FOR THEM! At thank you din dahil kahit nagdodoubt ka, nagsend ka pa din ng form dito. YAY FOR YOU!
So ito na ang masasabi ko.
Aray. Ouch.
As in, ang sakit naman ata ng ginawa sa`yo ni N! Anyare sa kanya? Sabog ata `yung lalaking `yun eh! Pero kung nagbreak naman na kayo, hayaan mo na siya ate. Kasi kung hindi mo siya hahayaan, ikaw lang rin ang masasaktan kasi sabi mo nga, parang may iba na siya. Just prove to him or them na kayang kaya mo mag isa ng wala `yung si N. Kaya mong mabuhay ulit–kumbaga wag ka magpakitang apektadong apektado ka kahit ang totoo nun ay sobra ka na sa pagiging affected.
Kumabaga, chill lang.
About naman kay A, gusto ko lang malaman mo na may ibang lalaki na kunwari, ayaw sa`yo pero ang totoo n`yan, sila pala talaga ang sobra magmahal sa`yo. Well, ewan ko ah? Hindi ko sinasabi na ganun si A sa`yo pero base lang to sa mga nakwento mo. Siguro natakot lang siya noon kaya niya nilalayo sarili niya sa`yo at ngayon nga na single ka na, hinayaan niyang maging unan at kumot mo siya habang nasasaktan ka.
Why not give him a try? Or I don`t know. Masyadong risky `yon. Mahal mo pa si N di ba? Baka rebound lang si A at masaktan mo pa siya. Masakit.
Ito ang hirap kapag sobra eh. Sobra kang mahal? Sobrang kasweetan? Sobra sa lahat? Wala na pong ganun sa real world ate. Baka nagpapanggap lang yang si N! Chos. Pero ang hirap nga n`yan kasi sa sobrang pagmamahal, sobrang sakit naman ang naramdaman mo.
About kay A, hindi ko alam pero base dun sa ineexpect mo. Eh ikaw, ano ba ang nararamdaman mo?
Sana nakatulong itong mga sinasabi ko para makarealize ka ng isang bagay na hindi ko din alam kasi ang gulo ko mag advice. Goodluck. :]
Original Post: February 19, 2010 Edited Post: August 14, 2012.


















