Yun na ba 'yon? Yun na ba 'yung dahilan kung bakit ko siya nakilala? Wala na bang ibang rason?
Gaya ng, ewan ko, siya na si the one? Siya na yung hinihintay ko ng ilang taon kaya hindi ko pa talaga magawang magkagusto o mainlove sa iba. Na wala pa talagang naging malapit sa puso kong pihikan.
Yun na lang ba 'yon? Papadaanin lang siya sa buhay ko, hahayaang maattract ako. Hahayaang magawa ko yung mga bagay na kasama siya na kahit kailan hindi ko pa nagagawa?
Tapos na ba? Wala ng karugtong? Wala ng dagdag sa kwento namin? Hindi ba pwedeng patagalin? Hindi ba pwedeng habangbuhay na?
Nakakapagod naman. Bubuksan ko na naman puso ko sa iba. Sa bago. Maglalaan na naman ng atensyon sa iba. Sa bago. Kailan pa?
Amin naman oh.











