Sa tuwing nag-aaply tayo ng trabaho, isa sa kadasang tanong ang, "What makes you stay to the company?"
Ano ba ang madalas mong isagot sa tanong na yan? Ako kase ang madalas kong sagot, the environment aside from salary.
Mas gusto kasi natin na maayos at komportable ka sa workmates and work place mo. Eh pano kung isa sa mga factor na yan ang nagpupush sayo to resign?
In my case, isa talaga dyan ang factor. Since day 1 until day 3. Maayos naman sya, hindi nagagalit. Kaya nasa isip ko, tatagal ako dito kasi mabait naman at willing sumagot sa mga tanong ko. On day 4, nagsimula na ang kalbaryo ko. Bipolar pala tong head ko. Mag-uutos sya, kapag di ko alam ang gagawin at nagtanong ako, nagagalit sya pero di nya pa rin sinagot yung tanong ko. So, ginawa ko kung ano yung alam ko. Nung binigay ko na sa kanya yung output, nagalit. Bakit daw hindi muna ako nagtanong bago ko gawin. For the nth times, galit ka pag tinatanong, tapos sasabihin mong bakit hindi ka muna tinanong?
As time goes by, hanggang sa umabot na ng 3weeks. Di ko na kaya ang ugali nya. Sinubukan kong hanapin sa Facebook yung pinalitan ko, and I found out na 3weeks lang ang itinagal nya. Ganun daw talaga ang ugali ng head namin, di kakausapin pag wala sa mood. Napaka-bipolar. Napag-alaman ko rin na marami na pala ang papalit-palit sa position ko, ang pinakamatagal ay 2months (yung time na naka-WFH pa.) At ang pinakamaiksi ay 1week.
Sa unang buwan ko, nagpasa na ako ng resignation. But she refuse to accept it. Ang sabi ko, desidido na talaga akong magresign. Kahit di ko na makuha yung backpay ko wag lang akong magkaroon ng anxiety. Oo, o.a sabihin. Pero yun ang naramdaman ko. Everytime na papasok ako sa umaga, galit agad ang bungad nya. Walang good morning. Di yun uso sa kanya. Parang gusto kong hatakin ang oras ng mabilis para makapag-out na. At sa tuwing uwian na, pakiramdam ko sobrang sakit ng ulo ko. Pagdating ng bahay, ayoko ng kinakausap ako. Kain muna, tapos diretso na sa kwarto.
May time na, tinatakpan ko ang tenga ko sa tuwing nakakarinig ako ng nagsasalitang galit. Hindi ko kaya. Ganon ang epekto nya sa akin.
March 18, 2022, Friday. Ipapasa ko dapat ang reaignation ko bago mag-uwian. Pero nag early out sya. Di ko napansin na wala na sya. So, iniwan ko nalang sa table nya yung resignation letter ko. Nag-message nalang ako sa kanya.
Tawag sya ng tawag pero di ko sinasagot. Nag-message sya sakin, nagrereply naman ako. Wala na raw akong tamang ginagawa. Then, sinagot ko yung message nya na yon na, "kaya nga po ako magre-resign kasi wala po akong ginagawang tama."
Nung time na yon, nagsawa na yata sa kakatawag, kaya tumigil na.
Saturday, March 19, 2022 9:00 AM. May tumatawag na unregistered number. Di ko naman ugali na wag sumagot sa unregistered number lalo na at di pamilyar, baka kasi importante yung tawag na yon. May nakausap ako, maayos naman ang approach sa akin. Anak nya yata yun pinasa agad sa kanya yung phone. Hindi naman ako yung tipo ng tao na bigla ka nalang iha-hang kung maayos naman na nakikipag-usap.
Nakiusap sya saken na kahit end of the month lang daw, hanggang sa makahanap ng kapalit ko. Sabi ko, decided na ako na di na talaga ako papasok sa monday. Ang sabi nya, marami lang daw syang kailangang tapusin na deadline, hindi na daw sya dadagdag sa sakit ng ulo ko which is, sya naman talaga ang cause.
Ang sabi ko sa sarili ko, sige pagbibigyan ko until end of the month. Titiisin ko nalang.
Time flies, since magkausap kami until end of the month, naging maayos pakikitungo nya. Hindi na nagagalit. Oo, minsan nagagalit, pero unlike before na kahit walang dahilan e nagagalit.
Naisip ko, magreresign pa ba ako kung nabago ko naman na yung ugali nys? Sabi ko, pag dumating na yung iinterview'hin na kapalit ko, magpapasa na ako ng resignation. Pero walang dumating, so naisip ko na okay na sigurong mag-stay ako.
Mid of April, bumabalik nanaman yung ugali nyang ganon, sumasagot na ako pero mahinahon at magalang. Patuloy yung argue namin, siguro di na nakatiis kasi panay ang sagot ko sa kanya. Tinanong na nya ako ng pagalit, "sumasagot ka na?!" Sumagot ako ng malumanay at may paggalang pa rin ng, "opo."
Nung time na yon, di na sya nagsalita. Itinuloy ko na kung ano man yung ginagawa ko. Siguro 5-10mins pa lang yung lumillipas, inutusan nya ako. Parang walang nangyaring argue. Ang bait na ulit nya sa akin.
May ganto pala talagang tao na nag-eexist? Yung galit ka, sabay ilang sandali lang, okay na ang lahat.
Naisip ko, siguro tiisin ko nalang yung ganong scenario, masasanay din ako. Kailangan ko lang ng sobrang habang pasensya. Patigasan nalang kami.
Until today, almost 5 months na ako. Ganon pa rin yung scenario namin, nasanay na ako.
Sa almost 5 months ko dito, marami na ang nagresign, at sya ang dahilan. Sobrang napaka-bipolar.
Ako lang daw yung nakatagal dito, lahat daw umaalis agad.
Kaya sabi ko sa sarili ko na gagawin ko nalang challenge to, it's either mapapabago ko ugali nya, o mauuna syang mag-resign saken. ๐
Ngayon ko lang naisipan i-update, pero bibigyan ko na kayo ng hint. Nagresign ako! ๐
Actually, more than a year na since nung nagresign ako.
August 22,2022 (12:00 noon)
Oo, tanghaling tapat nung nag-walk-out ako.
Nung time na yon, naka-ready na yung resignation ko, isesend nalang. Kasi umaga pa lang pagpasok ko ang dami na nyang hinahanap sa akin.
Andyan yung hahanapin nya sa akin yung requirements nung mga employee na supposedly first day of employment pa lang ipinapasa na nila. Di ko na kasalanan yon, dahil sinabihan ko na yung mga employee after interview na kailangan yung mga requirements. Since medyo matagal yung process nila bago makapag-start dahil kailangan pa ng approval sa head office. Aba, sinabihan pala nitong head ko na, okay lang kahit wala muna silang ipasa na requirements, tapos ako sisisihin kung bakit walang requirements na ipinasa.
'yun na nga, fresh pa sa akin lahat na parang kahapon lang nangyari. ๐
Etong, representative ng head office namin bumili ng mga pc parts na phase out na.
Gustong gawin ng head ko na maghanap daw ako ng ibang store na nagbebenta ng mga ganong parts tapos i-compare ko raw yung price sa binili nung representative ng head office.
That time, gumagawa ako ng attendance, pero sabi nya unahin ko daw muna ang paghahanap sa store at price list. (Sa pagalit na tono)
Halos lahat ng pinagtanungan ko ay di na nagbebenta ng ganon dahil nga phase out na.
Tuloy lang ako sa paghahanap, tapos bigla syang nag-message sa akin kung nasan na raw yung attendance? Ang sabi ko, sabi nya na unahin ko yung paghahanap ng price list, bakit daw sumasagot pa ako? Eh anong gagawin ko? Abnormal ka bang talaga? Sabi ko nalang, sige po gagawin ko na yung attendance. Sabay tanong ng, "yung office asset ba tapos na?" Out of nowhere talagang maghahanap ka nanaman ng ipapaunang gawin sa akin? Ang sagot ko, "yung mga bagong bili nalang po kahapon ni Mr. yung di ko pa naisasama sa office asset". Sabay tanong nanaman ng, "yung pinapahanap ko sayong price list nasan na? Yung attendance?" Sagot ko, "naghahanap pa po ako ng ibang store, puro phase out na raw po yung mga items na tinatanong ko." Sabi nya, "ang tagal naman nyan, baka pag ako naghanap tapos na agad." Aba, dun na ako nabwisit. Sinabi ko na, "baka po may alam kayo, kayo nalang ang gumawa." Sagot nya, "ako nalang din kukuha ng sahod mo." Isang maikling sagot lang ang tugon ko. "Sige po." Lahat ng yan through Skype conversation. After that conversation, sinend ko na agad yung resignation letter ko, sa kanya, sa head office at sa head office representative namin dito sa Pinas. Lumapit sya sa akin non, sabi nya mag-usap daw kami. Niyayaya nya ako sa labas ng office, sa may fire exit. Sabi ko sa office nalang, which is, sa mismong reception dahil don ako nakaupo. Ayaw yata nyang makita at marinig ng lahat yung mga rants ko which is, alam na rin naman ng lahat yung dahilan dahil nakikita at naririnig naman nila. Pero nag-insist talaga sya na sa may fire exit kami mag-usap. Tumagal ng halos isang oras yung pamimilit nya sa akin na bigyan ko sya ng 1-2weeks para makahanap ng kapalit ko, ang sabi nya alam ko naman daw kung gaano kahirap magpa-approve sa head office ng bagong employee. Pero decided na talaga ako, sinabi ko na sinabi na nya sa akin yon dati na 1week lang ihahanap ako ng kapalit. Talagang hindi ko na kaya, kaya bumalik na ako sa office at inayos yung mga gamit ko, iniwan ko na lahat pati id ko. Umalis nalang ako ng office ng hindi na nagpaalam. Pero since nasend ko na yung reaignation letter ko, may idea naman na siguro sya don. Hindi ko na kinuha yung back pay ko, kahit alam kong medyo malaki pa yon. Wag ko nalang talaga syang makita. I am not into money that time. Sino ba naman ang hindi nangangailangan ng pera? Honestly, sobrang kailangan ko sya that time, dahil namatay din tito ko nung araw na yon, pero mas pinili kong wag nalang kunin yung pera for my peace of mind. Sobrang laki ng naging epekto nito sakin, lalo na sa mental health ko. Up until now, ayoko pa rin ng makakanig ako ng may nagsisigawan, sumasakit ang ulo ko. Mas gusto kong matulog buong araw, para wala akong naririnig na ingay. And until now, wala pa rin akong trabaho, pero willing naman ako. Medyo nawalan lang ako ng confidence. Kasi parang wala akong alam sa mga ginagawa ko dahil sa pagtrato sa akin nung last head ko.
Dati hindi ako ganon kadali mairita, pero ngayon, sobrang bilis na. Kaunting bagay lang, iritang-irita na agad ako. Parang inubos lahat ng pasensya ko.
Kaya eto ako ngayon, sobrang tagal mag-recharge. Hopefully, mabawi ko lahat ng nawala sa akin. I mean, sa mental health ko. Maka-recover sana ako at bumalik sa dating ako.
Para sa mga may tulad kong karanasan, kaya natin to. Don't risk, lalo na kung mental health mo na ang sobrang maaapektuhan. Dahil mas may worst na mangyayari pag pinabayaan mo. Know your worth. If you think that you are in a wrong place, just LEAVE. Kesa maubos ang pasensya mo sa taong hindi deserve bigyan ng second chance.
PS: nilagay ko pala sa resignation letter ko na sya yung dahilan kung bakit ako nagresign, and that day, binura nya na rin yung company email ko at inalis sa company gc.