Welcome back to my corner of the internet.
Reason kung bakit ako nagbabalik? I'm hanging on pero baka mapigtal, wala akong masabihan ng senselessness ko today.
Patunay na hind ako okay? Ang mga sumusunod ay hindi ko mailet go ngayon.
Malate ng later than usual late. Pagod na ako.
May na half-samsam ako na phone at hindi ako makamove on hangga't hindi ko nakakausap ang mga batang involved. Kakayanin ba ang weekend without reaching out through messenger? Kakaoverthink ko kasi masyado, gabi nung nagkacourage na magreach out muna. Pero okay na din baka naman kasi maspanget din sa messenger. Tsaka hindi naman ako sadya nagrereach out sa bata kapag weekend? Why change the usual?
Naramdaman ang slight gigil which is hindi dapat kung gumamit ng isip pero nadala ng inis muna bago nakapag-isip. Kailangang aminin na nainis din, and tried to assert authority pero not in the best way.
Umuwi ng maaga kasi walang night class pero nakaiwan ng gamit. Ilang beses na 'to.
Bumalik para kunin ang naiwan kasi gagamitin sa sunod na araw, pero nalimutan naman magpatay ng ilaw. Paano na lamang kung walang nagsabi na kaibigan? Pasensya din sir guard, hindi ko sinasadya.
Ang dami kong unnecessary comments. Jusko.
May nakitang online video featuring self and friends na kinunan without permission or consent, at hindi ako okay dito. Reported it pero ewan kung ano mangyari dun.
Iba pang patunay na hindi ako okay?
Hindi ko alam kung gaano katunay pa ba kapag sinasabi kong gusto ko ang ginagawa ko at inaaral ko.
The fact na inooverthink ko pa ang halaga.
Di nasunod sa deadlines. Hindi ginagawa ang usual na ginagawa. May oras naman, nasobra pa nga e.
Nag-uuwi ako ng gawain sa bahay.
Alam ko namang ang mga ito ay lilipas din sadya. HIndi naman dito matatapos na ang mundo ko. Hindi din ito ang pinakamalalang bagay na nangyari sa akin this year, pero alam kong it's chipping me away from me.