Pagdadalawang-isip
Hindi pala ikaw ang hinahanap ko Sa mundong akala ko ikaw lang ang saya Ikaw ang kasagutan Sa bawat kong panalangin at katarantaduhan Ikaw ang tama Hayaan na nating gumulong ang luha Ngunit kailanman ang bawat yari ng ulap sa ilang ay hindi sagot Sa aking panalangin Naliligaw pa rin yata ako Sa 'king mga tanong at sa 'yong bawat sagot Pukawin mong muli ang aking mga mata At ang pusong di makagdesisyon Tama ba? O mali? Ang bawat mong pag-iling at pananahimik Ay hindi makapagpasuyo sa aking di pagsagot Mahal, mahal mo ba talaga ako?













