Sep 03, 2020
It feels good, after almost 3 months ng hindi ka makatulog ng maayos sa gabi, kaka check sa nanay mo. Kaka-paalala na kumain, uminom ng tubig at magpalakas. Nakikita mo na ngayong tumataba na uli sya, lalo na mukha niya. Hahaha!ย
Pero simula nun, hindi na rin ako makapag focus laging nagooverthink sobrang lutang ko na yata sa trabaho araw araw. April to May nag eenjoy pa akong mag bake ng kung ano ano, nageenjoy pa kong mag experiment, nageenjoy pa akong magbenta kasi nakaka-amaze na sa isang linggo pwde palang ganun kalaki kitain mo, nakakabuhay siya ng pamilya actually. Jke. Haha anyway ayun na nga nawalan ako ng gana sa lahat, sa kwarto na ako ng ta-trabaho para lang walang kumausap saakin, baba lang ako para kumuha ng pagkain, icheck nanay ko, at maligo.ย
Di ko alam pero nawalan ako ng gana sa lahat. Gusto ko lang non makita nanay kong kumakain na ng marami, gusto ko lang siya makitang tumaba uli, gusto ko lang siya bumalik sa dati. Gabi gabi ang bigat sa dibdib, iiyak mo nalang at magdadasal na sana gumaling na nanay mo, sa sobrang daming pumapasok sa isip mong pwdeng magyari. Pero thankful ako kay lord di mo pinabayaan nanay ko, pinakinggan niya ako.
Siguro sa buong buhay ko eto na yata yung pinaka worst na halos tatlong buwan. At ayoko na maulit. Sobrang thankfu ko. Kaya kung ano gusto ng nanay ko binibigay ko na eh, kahit mabutas pa laman ng bulsa ko. Hahaha!
SO ngayon susubukan ko nalang na hindi na magoverthink. Minsan nga feeling ko may anxiety na ko pero syempre hindi tayo pwede mag self diagnose.ย
Ang hirap lang na lagi kang kinakabahan ng walang dahilan, pagkagising mo kabado ka agad, bago matulog, habang nanunuod. Yung feeling na hindi mo mai-kalma sarili mo, idadaan mo sa tulog ng maaga, pero pag oras ng trabaho inaatake ka ng kaba kahit na normal na-araw lang naman, so lahat ng kakatok, tatawag sa telepono or magcchat sayo nakakairita. Tas parang lagi kang pagod. Hays. Nakaka guilty lalo na pag nasu-sungitan ko pamilya ko, mga nagcchat sakin. Haha pero ayoko mag explain sa kanila. Hirap ng buhay ngayong pandemic. Sana lahat kayo ok! Ok? subukan nating lahat maging ok kahit hindi na okay.
PS: hindi Covid sakit ni mudra, thank god pa rin at nag negative siya sa test. Hereditary shit.















