Marami sa atin ngayon ang nagtataka kung bakit nga ba ang Pilipinas ay nasa napakahirap na sitwasyon pagdating sa pagbili ng mga bakuna?  Ayon kay Pangulong Duterte “Ang problema ay binili ng mga mayayamang bansa ang lahat ng mga suplay. Mayroong pag-aagawan [para sa mga bakuna] ngayon”. May ilan na nagsasabing hindi raw natulungan ng gobyerno ang ating mga tao sa problemang ito na siyang nagdudulot nang kanilang pagkabalisa at panghihinayang. Ngunit para sa akin, hindi natin dapat minamadali ang gobyerno sa pagkuha ng mas madami at mas magandang bakuna para sa mga tao sapagkat alam naman nating ang Pilipinas ay isang bansa na may mababang kita.
Sa kabilang banda, kinakailangan ang indemnification funds or programs sa ating bansa sapagkat ang mga bakuna na ginagamit sa buong mundo ay nasa ilalim pa rin ng pahintulot sa paggamit ng emergency use authorization (EUA), na may limitadong panandaliang datos lamang na maaaring lumabas mula sa pagtanggap ng isang shot ng bakuna. Sa ilalim ng programang ito, sumasang-ayon ang pamahalaan na ang pamamahagi ng mga bakuna tulad ng COVAX, kasama ang mga tagagawa ng bakuna, ay hindi mananagot sa mga hindi inaasahang masasamang epekto o kalalabasan ng paggamit ng bakuna. Ito ay isang peligro na kinakaharap ng pamahalaan kapag nagbibigay apruba sa biglaang pangangailangan ng paggamit ng mga bakuna sa panahon ng pandemya ngunit nakuha naman ng Pilipinas ang unang dosis ng bakunang Pfizer sa nabawasan na presyo, salamat sa pangunguna ng World Health Organization na kilala bilang COVAX.
Samakatuwid, ang gobyerno ay humahanap pa rin ng paraan upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at upang makapagbili na sila ng bakuna na naaayon sa kanilang badyet. Hindi man ito lahat naiintindihan ng karamihan sapagkat sana ay ang ilan sa inyo ay naiintindan at nababatid ang nais na ipahiwatig ng gobyerno. Hindi man perpekto ang ating gobyerno at makikita man natin na may ilan rin silang kapalpakan ngunit ating tandaan na huwag sana natin silang madaliin sapagkat sila rin ay tao lamang, kagaya natin.














