April 8, 2022
Sobrang bilis pa noh? Akalain mo mag 1 year ka na. Parang tumawid lang yung panahon. I miss you so much pa. Grabe noh, iniiwasan ko talaga tumingin ng mga picture mo kasi alam ko maiiyak ako e. Pero di ko maiwasan talaga dahil na mimiss kita ng sobra. Pa, I love you so much.
Hello Pa. Happy Anniversary in Heaven or Happy birthday in Heaven. I miss you so much. Thank you for being the best Father! Thank you for providing us ng lahat lahat. Wala kami dito kung wala ka. Ngayon, kami ang nagpapatuloy ng ano ang nasimulan mo. Siguro iniwan mo na kami kasi kita mo na na tapos na ang responsibilidad mo dito sa mundo. Tapos na ang mga task na binigay sayo ni Lord. God has given us so much blessings. Pero I super blame GOD for everything. Sorry I had to say it.
Pa, thank you so much for everything. From inspiring me to have my own business. Kayo ni mama ang naging #1 supporter ko. Lalo na sa mga efforts mo Pa, nag papasalamat ako. Kasi nung nag sisimula ako mag benta ng Wings isa ka dun sa reason bakit naging successful ito. Imaginin mo aalis ka lang ng bahay ng maaga para makuha mo lang yun sa Gusa papatungan mo pa. Negosyo talaga hahaha. I love you pa! No complains naman kasi di naman talaga nababayaran ang effort. Mahal na mahal kita pa, alam ko na sinabihan ako ni mama na kakayanin ko ba? Pinaglaban mo yun. Sinabihan mo si mama, “Parang narinig ko na yan ah.” Hayaan mo siya para matuto. Kahit may negosyo na tayo sa family, pero sinupportahan mo pa rin ako sa aking Milktea business pa. Kahit sobrang liit ng kita pero super supportive mo. Nawala na yung partner in crime ko. Nawala na yung nagbibigay sa akin ng balato lalo na pag nananalo ka ng manok mo. Wala na akong mahingan ng pang-gas na pa sikreto kay mama. reimburse ganun. hahaha. I love you pa! Parang everyweek meron akong 1k sayo Ayos hahaha. I miss those days pa. Malapit ka na mag 1yr! 53 days nalang. Time flies talaga pa. Mahal na mahal kita pa alam mo yan. Sorry dahil di man lang tayo nakapag alis2 dahil sa ka kjhan ni mama lam mo yan. Lam ko na asar ka. ahahaha. Pero pa, mahal na mahl kita. ako nalang humihingi ng pasensya sa mga pinaggagagawa ni mama ngayon. Alam ko naman na depressed siya, and nag hahanap lang siya ng mga nakakabusy ng utak niya. Pero I don’t tolerate this kind of doings. Pag nalaman ko lang talaga kung ano pinagagagawa niya ako na bahala pa. Ngayon na wala ka na parang ako na ang panganay dito sa bahay pa. parang ako na ang nag didisiplina nitong dalawang makulit na to. Mag ina nga talaga pa. Alam mo bang miss na miss ko na ang partner ko? Ikaw yon. I miss you so much pa. I hope naman magpakita ka na sa panaginip ko. Namimiss na talaga kita. Hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin. May galit ka ba? Sana naman wala. Mag pakita ka na pa please. I love you.
Ang taas na nito. Next time ulit pa. I love you so much and I miss you so much! :)










