071426 | sichu malatang
accompanied a friend to eat lunch (and dinner) for his work.
for lunch, we ate at sichu malatang sa sm north branch nila. i was soooo hungry before going there pero nung sinerve na samin yung pagkain, naoverwhelm ako malala. hahaha.
super sulit ng food dun bc parang nasa 1k lang in total tong sinerve samin na food +andaming freebie at yung owner ang nagtour at nagturo samin on how to order.
ang funny pa kasi ako yung pinapapili ng friend ko sa mga ilalagay eh di pa man din ako magaling magtantsa ng mga ganyan, lalo yung one bowl of everything ay issplit into three dishes hahaha. tas yung owner, winarningan nya kami na first timers tend to get overwhelmed kasi nawiwiling magtry ng kung ano-ano so iwas being superrrr cautious on putting things kasi dalawa nga lang kami na kakain. lo and behold, kada "okay na to" ko didikit na naman sakin yung owner tas magsasabi ng "you should try this, lagay ka kahit 2 or 4 lang" ahahahaha ending, sobrang dami naming pagkain.
he also insisted to put udon noodles dun sa malapan namin kahit sabi ko wag na lagyan (tangina parang unang lq lang eme fantasy) ang gulat ko kasi pag mix ko may kikiam, quail eggs, at duck breast na yung mala pan namin.
super saraaaap din nung malatang nila, hinanap lang ng bunganga ko yung fish roe ng jiangnan though kase roll yung fish roe dito so wala yung sabog experience gaya nung sa jiangnan. buttt, may other variations sila ng ganung bun type so di pa rin talo.
first time ko rin makatry ng malaxiangguo tas tangina sobrang sarap parang gusto kong halikan bunbunan ng kung sino mang nakaimbento nun ganung levels. ang funny rin kasi while picking out the ingredients, syempre ineexplain nya what they offer and what's the best ingredient for which menu. tas sabi nya crowd favorite daw ang instant noodles sa dry pot kasi para raw glorified pancit canton, at nung natry ko wahahahaha gets!!!!
ang favorite ko siguro ay yung lao gan ma fried rice kasi natanggal nya yung ay factor after kumain nang madami wahahaha.
anyways, overall 10/10 experience. feel ko uulitin ko sya at magtatry ako ng iba-ibang variations. saka feel ko worth the money sya and super tagal ko na talaga gusto itry tong sichu malatang kasi nga ang dalas naman namin maghotpot. also, ig mutuals ko na yung ibang employees nila kasi chinika pa namin after namin kumain habang nagkucooldown.








