MY IKEA STORY | INSPIRATIONAL | KWENTO KO KWENTO MO, MAY KWENTA ITO
Naging mapanlaban at mas positibo ang aking kaisipan. Hindi ako sumuko matapos iwanan ang IKEA. At ito kwento ko ngayon sa inyo.
Ipinagpatuloy ko ang aking passion, at sa vlog na ito, aking ipapahayag kung bakit mahalaga na huwag tayo mawalan ng pag-asa at paniniwala sa ating sarili.Â
Naiwan ko ang aking trabaho sa IKEA dahil sa aking injury at hindi na ito ang nababagay sa akin. Nagtrabaho ako ng halos pitong araw sa isang linggo, labing-tatlong oras kada araw. Bakit, tanong mo? Sa susunod na vlog nalang yan, isa pang kwento.Â
Minahal ko ng sobra ang kumpanya. Kaya iniyakan ko talaga ito. Dahil IKEA rin ang susi ng VoiceOver Sakura na voiceover brand name ko ngayon.Â
Noong una, hindi ko inaasahan na magtatagal ako roon. Subalit, ibinigay ko sa sarili ko ang oras na kinailangan. Para matutunang mahalin ang trabaho.  Nagustuhan ako ng mga manager at nabigyan ng maraming oras ng trabaho sa sales at logistics na iniisip ko dati na hindi naman to para sa akin, na di naman nagtagal ay sobrang minahal ko.Â
Nakayanan ko ito ng walong taon, at umiyak ako nang sobrang-sobra noong aking iniwan ko ito. Subalit sa buhay lahat ay may dahilan. Bawat pintong isinasara, patnubay ng Diyos yan at sa huli mo lamang malalaman at mainintindihan ang dahilan.Â
Sa mga aral na aking natutunan noong unang linggo ng aking Certified Voice Artist Program, isa sa mga pinaka-mahalagang Pochology na natutunan ko ay ang "Don't chase your dreams. lead them." Hindi sapat na sundan lang ang ating mga pangarap; kailangan natin itong itaguyod.Â
Mahabang kwento ang aking buhay IKEA ko pero konti lang muna ang ibabahagi ko ngayon sa inyo. Ang video na Ito ay kuha noon charity day namin. IKEA is a company with a big heart. I am glad these moments were captured. Ilang taon na ito sa files ko and hindi ako nag attempt agad I post ito. Kasi sabi ko, balang araw lalapatan kita ng kwento. Gusto ko magiging espesyal ang voiceover na gagawin ko. Gusto ko magiging mas makabuluhan ang magiging mensahe nito. Kaya naman sa week 1 ng training ko sa Certified Voice Artist Program, naatasan kami na gumawa ng vlog at naisip kong ito ang ipapasa ko. Ito na yung tamang panahon, Ito na yung tamang pagkakataon. Ito na yung ganap na pagbabagi ng kwentong IKEA ko. Because someone out there needs to hear my voice.
Taong 2012 nang pumasok ako sa IKEA. Hindi ito naging madali. Dumaan ako sa maraming pagsubok bago ako naging permanenteng empleyado. Marami pa akong kuwento tungkol sa IKEA, pero ngayon, magbibigay lang ako ng maikli.
Naging mapanlaban ako at hindi sumuko. Patuloy kong kinuha ang mga oportunidad na nagbubukas, at sa bawat hakbang na aking ginawa, nadadagdagan ang aking pananampalataya sa sarili at lalo na sa Diyos. Ang buhay ay puno ng pagsubok, ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ipinakita ko sa sarili ko na kahit gaano ito kahirap, kung tunay mong inuuna ang iyong pangarap at ginagabayan mo ito, magtatagumpay ka.
Sa mga pagkakataong iniwan ko ang IKEA, natutunan kong mahalin ang aking sarili ko at sundan ang aking mga pangarap. Hindi ko lamang sinunod ang mga pangarap ko; pinanindigan ko ang mga ito nang may determinasyon. Ngayon, handa akong ibahagi ang aking kuwento at ang aking tinig sa mundo. Dahil alam ko, mayroong mga tao diyan na nangangailangan na marinig ang mensahe ng pag-asa at determinasyon. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Huwag tayong mawawalan ng paniniwala sa ating sarili. Sa huli, tayo ang magpapatakbo ng ating mga pangarap. At balang araw, kwento mo rin ang maririnig ko.Â
At dahil nga sa trabaho naming sa IKEA, madalas kaming gumawa ng mga iba’t ibang display items at mag build ng IKEA furniture, nasanay kami na hindi na tumingin sa instruction manuals. Kaya naman dahil sa charity day namin at protocol ng kuumpanya na sundin namin ang instruction manuals sa ayaw at sa gusto namin, ang nagaganap, disaster happens!Â
Makaka relate ka lang sa sinasabi ko kung isa ka ring IKEA Co-worker. Napakasarap mag trabaho sa IKEA. Individuality is observed. Lahat ng personalities andun. They let you spread your wings. Lahat ng bossed naririnig. Lahat pantay pantay. Lahat napaka humble. Sobrang ganda ng culture sa IKEA. Kaya tuwang tuwa ako nung nagkaroon ng IKEA Philippines. Sobrang tuwang tuwa ako para sa mga kapwa ko Pilipino. Congratulations sa lahat ng nag ta trabaho ngayon sa IKEA Philippines Mabuhay. Naway mahalin Ninyo ang kumpanya hanggat kaya nyong manatili diyan. Dahil ang IKEA, mamahalin ka rin hanggat kaya mo. Pero sa mga panahong kailangan mo na ring mamaalam, irerespeto nila yun. Hahayaan ka nilang mamayagpag kung saan mo gustong magpunta. Hindi ka nila iipitin. Ganon ang tunay na kumpanyang may puso at suporta.Â
Hindi dito magtatapos ang kwento ko. Marami pa akong gustong ibahagi.Â
Isang napakasakit at madamdaming pamamaalam, IKEA.Â
© VoiceOver Sakura- All Rights Reserved. Unauthorized duplication or use of content from this site is strictly prohibited. Protected by international copyright laws."