May mga tao pa rin na hindi nakakikilala ng tunay kong pagkatao, sad to say, hanggang ngayon, hindi nila ako kilala.
Kapag nahiga na ako at wala na akong imik --- hirap na hirap na ako dahil may mga nasa utak ako na hindi ko malayang naipahahayag ng walang pagaalinlangan. Kung ang langit ay isang papel lamang, siguro'y napuno na ito ng mga bagay na nagkukumahog na kumawala sa aking isipan. Gusto kong maging malaya -- malayang makapagsalita ng hindi nahuhusgahan, malayang nailalabas ang mga saloobin ng hindi napagbubuntungan ng galit sa huli.












