To the Ladies I Love the MOST.~
Happy Anniversary Zane, Caris, Nicole and Faith! :)
5 years and still counting! :'>
Thankyou for being the Best Girlfriends! I owe you BIGTIME! :) Hindi lang kaibigan ang nagkaroon ako sa katauhan niyo, kundi isang pamilya na alam ko makakasama ko hanggang sa pagtanda. :'>
Kayo ang nagpatunay ng INFINITY AND BEYOND. Dahil simula palang nung una, walang sinuman ang bumitaw at alam kong walang bibitaw.
Ang layo na ng narating natin, at mas malayo pa ang tatahakin natin. Nagsisimula palang ang tunay na paglalakbay.
Maaaring malayo tayo sa isa't-isa ngayon. Busy sa iba't-ibang larangan na ating pinili, pero hindi kailanman naging hadlang yon. Hindi man natin nakakasama ang isa't-isa sa araw-araw, kapag nalumbay doon naman tayo nagkakasama. Hindi tayo nagkakatext o tawagan, pero pag dumating na ang araw ng pagsasama wagas ang kwentuhan.
Kayo/Tayo ang nagpatunay na hindi kailangan lagi kausap o magkasama, hindi naman kasi importante yon... Ang importante kasi kapag ang lahat ng tao iniwan tayo, meron tayong isa't-isa para magdamayan.
Ako na ata pinakamaswerteng tao sa buong mundo, paano meron akong Zane, Caris, Nicole at Faith na mga girlfriends. Madami na tayong napagsamahan. Through thick and thin, tayo-tayo padin. :)
Sabi nga ni Toni G., may 4 na stages ng relationship... the first two is the honeymoon stage, the third, don daw makikilala ng lubos and the fourth one, is the decision if you'll stay or leave. At congrats sa atin, kasi nalampasan natin ang 4 na stages na yon. Mas matatag na nga ang pagkakaibigan natin ehh. Biruin mo kahit ibang tao na nakakasalamuha natin walang nagbago.
Maaaring makapag-open nga tayo sa iba, pero kapag sainyo ako nagoopen GRABE! Sarap sa feeling! Alam niyo naman lahat ng sikreto ko at ganoon din ako. Pero ni minsan, di kumalat yon. :) Iba talaga kayo sa lahat. :'> The BEST kayo! :)
Hindi ko na mahintay ang June 9, para mag-post celebration ng Anniversary! Ingat ha? Aral ng mabuti. Malapit na yung araw na maipapatayo na natin ang pangarap nating business. At makakapunta na tayo sa Las Vegas, at kakantahin natin ang theme songs natin. :"> Shet! Naeexcite na naman ako sa future! I'll see you SOON Ladies! Lovelots! :*