Iba din talaga impact ng holiday blues. Ilang araw nang ayaw mag-function ng utak ko kaya wala kong mailagay sa blog ko.
Kada taon na lang simula nang mawala si ermats, parang nawawalan na ng rason para magsaya tuwing papalapit ang Pasko. Nilalabanan ko na lang kasi alam ko namang marami pa ring dahilan para maging masaya. Pero kapag ako lang mag-isa, nagkakaroon talaga ako ng pagkakataon na magnilay-nilay sa mga nagdaang panahon, lalo na noong kasama ko pa yung mga taong nawala sa buhay ko.
Ang sarap din talagang magkaroon ng mga taong totoo sayo, nagiging emotional support. Kahit hindi mo na hilingin, basta kasama mo na gumagaan. Alam ko namang lahat tayo sa mundo ay may mga bagay na nilalabanan araw-araw, simple man o komplikado hangga't may dahilan para maging masaya, grab lang natin iyon at magpasalamat. ✨
















