Mga realizations ko sa buhay ngayong panahon ng pandemya at distance learning:
1. Mahirap makipag-communicate sa bata at magulang/guardian ngayong pandemic pero kailangan mong kayanin as a teacher at di mag-give-up para maitawid ng bata ang pag-aaral nya. Kahit pa abutin ka ng isang buong workday para makausap lang sila. O minsan dalawa o higit pa. Hanggang sa makain na ang buong workweek mo ng simpleng pagkausap at pangungumusta sa kanila. Minsan, all they need is just a little push from you. Iisipin mong malaki na sila pero kailangan din nila ng motivation mula sa'yo.
2. Bawat bata, may kanya-kanyang problema yan sa sarili, sa pamilya, sa kaibigan, sa kapitbahay, sa community, sa acads, sa trabaho, sa jowa, name it. I had started keeping an online tracker na andun lahat ng updates tungkol sa kaso nila para reminded ako kung ano ang pinagdadaanan ng bawat isa para mas madali ko ring maunawaan ang kalagayan nila and para maibigay ko yung tamang kalinga and consideration na kailangan nila.
3. Wag expectorant na kaya nilang ma-devote nang 100% ang oras nila sa studies lalo na sa'yo bilang teacher nila kasi, for one, nasa bahay sila. Hirap kaya nun na nape-pressure sila to deliver and perform kung nag-aalaga pa sila ng kapatid or may sakit na kamag-anak, gumagawa ng household chores, tumutulong magkaron ng additional income ang family, at kung ano2 pa.
4. Wag ding tanggalan ng "life" ang bata kasi may passion pa yan sa buhay at talents and skills na kailangang i-nurture by spending time on their interests. Di rin pwedeng pigilan si learner na mag-work if yung salary nya will add up to their family's savings or panggastos man lang sa araw-araw. I was once a working student kaya danas ko yan. Advice them lang na i-manage ang time pero hindi totally itigil yung interests nila or part-time job kasi, for one, baka dun nawawala ang stress nila brought about by distance learning. Mental health of our learners is important.
5. Sabi ni Moira sa kanta nya, "Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na..." Every time a learner expresses intent to stop schooling, feeling ko ako yung failure—na nag-fail ako as a teacher. But we teachers have to stop feeling that way dahil walang may gusto nito—na nahihirapan tayong lahat because of the pandemic. Such a feeling has to stop lalo na kung na-exhaust naman na lahat ng means para lambingin si learner na bumalik at mag-module na ulit. "Mahirap labanan ang tinadhana" na "no longer participating in learning sessions" #NLPLS na talaga si learner. Minsan, kailangan ding mag-let go kung ayaw na talaga...
6. Hindi kailangan ng learners natin ngayon ng teacher na maangas, mayabang, at mapagmataas—iyong hindi kayang magpakumbaba o ibaba ang sarili para maabot sila ng estudyante. Let us not play god na magmamataas at ipipilit yung gusto natin na sundin ng mga bata to the point na halos sambahin na tayo. They are not robots—they're human beings na may pakiramdam at may kakayanang mag-isip. Human beings na nade-drain ang energy at brain fuel at napapagod din. Nabo-bored din sa dami ng papel na hinahawakan. Wag nating alisin sa kanila ang maging masaya. Mas importante ngayon na matapos ang pandemic na buhay pa sila at masaya sa ginagawa nila kesa naman buhay pa nga ngayon pero unti-unti naman nating pinapatay sa dami ng schoolwork. 😑
Ikaw, anong realizations mo? 🥰













