LOVE ♥
kanina, after a very long time, nakapagbonding ulit kami. supposed to be magchi-chill lang sa bar but turned out to be a maraclara-ending laitan and tawanan slash pictorial-kuno moments. ang saya lang.
isang bahay lang ang lagi naming pinupuntahan namin tuwing maiisipan naming magbonding. bahay nila Jowina yon. lagi kasi kaming welcome dun. almost anytime. pwedeng pwedeng tumambay o magovernight kung gusto namin, basta nasa bahay si Win, oks yan :)
yung feeling na kahit hindi mo bahay yun, pwedeng pwede kang humilata sa sahig. pwedeng pwede kang tumwa ng malakas, magmura, mang-okray, magdrama, magtopak. ang sarap eh.
para kaming magkakapatid. more like magkakapamilya.
lalaitin ang isa't isa pero sa huli, yayakapin ka at sasabihing "mahal kita".
ganyan kami. kaya mahal ko sila.
drama ko? loveyou bitches. till next time!













