laging sinasabi na masarap sa pakiramdam na alam mong may taong nag pupuyat o gumigising ng maaga para makausap ka. orayt. no doubt. masarap naman talaga. feeling special ka dba? :)
pero sa akin kasing saarap neto yung pakiramdam kapag ako yung merong tao na pinag pupuyatan o nagiging dahilan para gumising ng mas maaga, ng mas masaya.
yung matutulog ako ng nakangiti dahil naka kwentuhan siya. yung nalaman ko mga ngyare sa araw niya. kung kamusta ba siya, kung ano nagpasaya sa kanya. o kung malungkot siya, eh paano ko siya mapapasaya (yun eh kung mapapasaya ko ba. hahaha).
masarap yung pakiramdam na ayaw mo nang matapos yung araw, pero kailangan kaya gigising ka nalang ng mas maaga.
yung mag iisip ako ng mga bagay na pwede ulit mapag usapan. yung pakiramdam na ayaw kong maubusan.
masarap sa pakiramdam yung meron akong pinag pupuyatan o dagdag na dahilan para sa pag gising ko kinabukasan. yung sa bawat araw may nalalaman ako tungkol sa kanya.
masarap sa pakiramdam ko yung meron akong pinag lalaanan ng atensiyon. okay. ibang usapang na kung ang tanong eh siya din ba ganon. :)