I hate it. Seriously. Nakaka bad vibes. Simula kaninang umaga, BV na agad ako. Pagkaupo na pagkaupo ko sa Hall sinabi sakin nung kaklase ko na alam na daw ng crush ko, na crush ko sya. Ganto kasi yon, nung Thursday. Nag sasabihan kami ng crush. Edi umamin ako. Ayun nga, sabi ng kaklase ko alam na daw ng crush ko na crush ko sya. Nainis ako. Umiyak ako. Ayoko kasi malaman nya. Sino ba may gusto? Pag nalaman nya parang iiwasan nya ako. Hindi nya nga ako kilala eh, kilala nya lang ako sa mukha. Tapos pag nalaman nya lalo nya pa akong iiwasan. Sinong di maiinis dun? Tas sinabihan pa akong OA nung nagsabi sakin na alam na daw ng crush ko. Eh kung sya kaya ang nasa pwesto ko? Porke' lalake sya eh. Inis ako. Tapos nung sumunod parang lagi akong OP sa mga sinasabi nila. Hindi nila ako sinasali. Like, new student ako eh, edi dapat isali nila ako. Hindi naman sa attention seeker ako, ayoko lang talaga ma-OP. Tapos nung SLGE. Nainis din ako, pero private na yun. Ang pinaka huli nag-away kami ng kapatid ko. Lagi naman. Pero ako'y naiyamot. Ala basta. -.-