11:30pm- 1:30am
may walang hiyang hindi ko kilala na nangistorbo sa tulog ko. Leche. tawag sya ng tawag. tapos kapag sasagutin naman, its either papakinggan ka lang nyang magsalita o papatayin nya agad at itetex na hindi nya marinig ang boses ko. e saktong wala akong load. tapos magtetex "tulog ka na ganda" tapos pagnakukuha na yung tulog tatawag ulit! anak ng peste talaga. taga pasay daw. e ni wala nga akong kilala na taga-pasay eh. tssssss... nakakaasar talaga.
pero naisip ko din paano kung si destiny na pala yun? hahahahahahahahahaha.
HINDI. HINDI ISTORBO SA TULOG ANG DESTINY KO KAYA TINITIYAK KONG HINDI SYA.
kaya nung nakapagload ako kanina, tinarayan ko na. At hindi na muling nagtext at tumawag. And I live happily ever after.
















