Naalala ko nung Grade 4 ako. Nagvandalize ako ng isang property ng school. Astig nga eh. Kasi, napaka-inosente ko nung time na yun. Hinde ko pa alam yung meaning ng vandalism. Bobo kasi ako nung grade 4. Andameng terms ang hinde ko pa alam. Well, ganito kasi yun. May isang lalaking nang-aasar sa akin. Eh, inis na inis ako sa kanya dahil dun sa mga pangaasar na yun. Tapos, gumawa kami ng kalokohan kasama nung isa kong kaibigan. Pumunta kami sa CR at nagsulat ng joke. Nakasulat dun, *insert name here* ♥ *insert name here* Yun. Tawa pa kami ng tawa nung sinulat namin yun. Tapos, isang araw, yung presidente ng classroom namin, yung counselor ng Grade 4, chineck yung CR, kasi pinacheck nung adviser namin. So, yun. Tapos, kinakabahan na ako, kasi, baka makita niya yung vinandalize ko/namin. Then, nung pagkabalik niya, sinabe niya kung anong nakita niya, at pagkatapos, nagalit na yung adviser namin, sumigaw bigla, nagtanong na siya, kung sino na daw gumawa nun. E, di syempre kami, hinde muna umamin. Until, galit na galit na talaga siya. Tapos, ayon. Umamin na kami. E, di siya, sabi niya, "Sino nagpasimuno nun?" Tapos, tinuro ako nung kaibigan ko. Pagkatapos, sabi nung adviser namin, "Bat mo ginawa yun?" Tapos, sabi ko, "Eh, kasi po, nangaasar po siya." *ang babaw ng dahilan, no? Kabaliwan ko talaga noon.* :))) Ayun, pinabura niya yung sinulat namin. Hay. Buti nalang kamo, nakalapis lang yun, kung nakabolpen yun, patay kami, may report kami. Tapos, yun, isang malaking kahihiyan ang nangyari sa akin. Sira na talaga ulo ko nung bata pa ako maski ngayon.. :)))))