PADAYON, BATCH 2026! 🌻❤️
Sa pagtatapos ninyo sa UPIS, magsisimula naman ang panibagong yugtong malaya ninyong hubugin.
Baunin ninyo ang husay, dangal, at paninindigang nalinang sa inyong mga taon sa UPIS. Patuloy sanang sumiklab ang dagitab sa inyong pagsusulat, paglikha, at paghahanap ng katotohanan saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap.
Maliwanag ang kinabukasang naghihintay sa inyo, mga Iskolar ng Bayan. Ipinagmamalaki namin ang lahat ng inyong naging pagsisikap at tagumpay, at sabik kaming makita ang mga landas na inyong tatahakin.
Maligayang pagtatapos, Batch 2026! Padayon! 🌻












