Hello I just got home from MOA Arena! Me and my bestfriend just watched UAAP CDC S82, and how did we get our tickets? Yup, from a scalper at napaka mahal!!!! Anyways, enjoy naman and worth it ang gastos hahahaha and ang ganda ng view ko jan sa picture kasi pinayagan na kaming mga SRO lang na umupo na. Yung inuupuan namin yung inupuan nung mga judge. OHA 😂 comment lang ako sa mga napanuod ko kanina ha:
DLSU - MALINIS! Legit. Pero kulang sa "wow" factor and difficulty of stunts. Overall, cute ang performance nila and and mahalaga hindi sila nagkalat this season! Congrats Animo squad!
UE - The underrated team. Maganda. Pero sa sobrang hirap ng mga ginagawa nila, medyo hindi naeexecute nang maayos. And, pansin ko lang, kahit anong theme ng performance nila, di sila humiwalay sa kulay nila. I don't know if it's a good thing kasi it's their color and reponsible sila don ever since, or medyo nakakasawa na yung kulay. Congrats Warriors!!
UP - The squad that I was rooting for since 2012 (sa CDC). Not so disappointed kasi naubos na yung disappointment ko nung s80 nung bumalik sila, akala ko kasi babawi sila noon haha well anyway magaling but di gaanong malinis ang tumblings and dance routines. Pansin ko lang din medyo traditional talaga ang UP, they don't use themes like what other themes do (e.g. Under the sea, Fire, sailors and etc.) but they stick sa old style. Di rin naaapektuhan yung costume nila. Hahaa but now and forever, UP fight talaga ako sa cdc hehe
ADMU - Ever since, di ako fan ng ADMU when it comes to cdc, but if ball games lang naman aba pota lalaban ako hahaha! Anyway, the stunts were far way better than the last seasons; mas mahirap ngayon yung nagagawa nila but I don't know, mahirap pero I think I've seen those routines and stunts before. But infairness, malinis! Onti nalang babalik na sila sa podium, ramdam ko! Congrats ateneo! OBF!
FEU - My school, hay... sobrang sarap sa pakiramdam i-cheer yung school kung saan ka nag aral kahit isang sem lang haha. Pero grabe! Ang lupet! Ibang iba!! Difficulty level nila ngayon 9/10! Ang ganda ng mga sayaw and I thought magiging corny yung performance nila gawa ng "Micheal Jackson" theme, pero grabe! Hanep! Nagawan nila ng magandang twist! And may bago sa mga stunts nila! Looking forward to a better FEU next season! Congrats green and gold!!
AdU - Grabe ang "wow" factor ng team na to. Dati kukulekulelat pero noong nakatikim ng champion title grabe na kung lumaban! Ang galing! Medyo may pumapalya lang kanina sa stunts and nakita ko deduction nila, 12, compared sa 4 ng NU. Ang ganda ng dance routines and ang ganda ng costume!! Tho may nakita lang ako kaninang routine na nakita ko. A sa N.U before! Hahahaha congrats falcons!!!!
UST - Iba ang UST kanina! Gutom na gutom sa panalo! Ang ganda ng dances and routines tho medyo hindi lang malinis pero shet kung malinis yun, kasama to sa podium this season! And medyo kulang lang sa "wow" factor. The costume is so good! 10/10 ako sa costume nila sobrang effort and ganda sa mata! Congrats Tigerrrss!!!
NU - Of course, the walang kupas team! Masasabi ko lang, suportadong suportado ng school nila ang squad nila, ang swerte nila! Overall, the stunts, the dance routines, the pyramids, 100/100!!! Grabe napaka linis and walang bahid ng kamalian! Ewan ko ha pero sa NU ako nakakakita lagi ng bago, new blockings style, new pyramids, new stunts and hanep na tosses. And sa NU namamangha talaga ako lagi sa pasabog ng costumes and props. Grabe kayo NU! CONGRATS BULLDOGS!! Keep it up and wag niyo kami hahayaang magsawa please!
Overall, magagaling lahat and masasabi ko rin na walang nagkalat this season. Lahat ang gaganda ng mga sayaw legit! And malinis ang executions nila. Kudos to each teams and the people behind the performance of each teams. Ang galing niyo po!
Sana makabawi na U.P 🙏🏻













