last saturday ako na kasi ang nagpasiyang umuwi sa hometown ko na Tacurong city, para makita ang pamilya ko at mga kaybigan ko. e kasi naman soobrang lungkot lang dito sa Gensan. dumating ako ng 1:30pm tapos pagka-2, pumunta ako ng school para makipagkita kay Queensy. at forever sinungaling na talaga si Queensy, e pano naman kasi sabi niya nasa school na raw siya pero nang pagpasok ko sa school wala naman siya. then sabi niya sinungaling rin raw ako dahil di naman pwedeng pumasok ng school--pero kasi i always have the access sa school namin nung high-school kami kasi employee ang tita ko- pero maiba na tayo, so ayon nagkita kami ni Queensy sa tindahan ni ate tata na simula pa noon tagpuan place talaga naming mga barkada. tapos doon hintayan naman. hinihintay namin si M-M, na di talaga nagawang magreply dahil sa wala nga siyang load, kaya tinawagan ko na lang. tapos umalis na muna si Queensy para makipagkita sa ate niyang maganda. and then dumating na rin si M-M. nang makarating na siya isip kami ng isip kung saan ba pupunta, at naisipan namin pumunta kina Astrid at Regine sa City na nagsa-summer job. tapos ayon sila na ang sumibat sa kanilang practice para lang makasama kami. and then hinintay na muna namin si Queensy.
at habang naghihintay heto kami. hahaha
and then we went to Jollibee, nagmeryenda lang. tapos kami nina M-M, Queensy puro TUMBLR THINGY ang pinag-uusapan namin habang sina Regine at Astrid naman nagkaroon ng silent moment, e kasi di naman si nagta-tumblr. at dahil sa wala kaming preno sa tumblr tumlr thing, si Regine na ang panay insert ng mga topic na di tungkol sa tumblr at habang kaming tatlo tawa lang ng tawa. at sabi pa ni Regine HAYY! LINTE PURO TUMBLR, DI MAN KAMI KARELATE hahaha. and then we waited for Giovanni.
at habang naghihintay ulit, ito kami. hahaha
nang dumating na si Giovanni, we talked about his bora trip. and then diskasyunan kung saan ba kami pupunta. hanggang sa nakarating kami ng Dragon --at siya nga pala sila Regine, Astrid at Giovanni na ang nagulat sa dyed hair ni Queensy- haha.nang nasa dragon kami, panay backstub naman kami sa mga tao-taong kinaiinisan namin. hanggang sa napansin naming puro kami mga former BT--barkada trippers ang aming barkadahan nung 1st year to 3rd year namin hanggang sa naging munchkins-- tapos ayon kami na ang nagulat tapos sabi pa namin WOAH! NAKAKAMISS 'TO PARANG REUNION LANG NATIN. and after figuring out na puro BT nga kami pumasok kami ng Mart to buy ice cream, dami pa naming talo sa ice cream na bibilhin. and then nagtext si M-M sa nanay nya na tatambay kami sa bahay nila. at sabi ng nanay niya MARAMI BA KAYO?PUNTA NA LANG KAYO SA GINALYN RESORT MAY PARTY ANNIVERSARY NILA nang itanong ni M-M ang iba agad silang pumayag pero ako unung una ayaw ko, pero pumayag na rin.
matapos naming bumili ng ice cream naglakad kami papuntang bahay nina M-M, malapit lang naman e.
and we're just like the owner of that road. HAHAHA
naisipan rin naming daanan si Lee, na soobrang badtrip lang kami dahil sa ulan. kasi alam mo yung feeling na nung nasa labas kami anlakas ng ulan pero nang pumasok na kami ng bahay ni Lee biglang nawala, pero nang lumabas nanaman kami biglang bagsak ang ulan. at panay talo rin namin na MATUTUNAW NA ANG ICE CREAM!
nang makarating na kami sa bahay nina M-M kami na ni Gio ang nag-aagawan ng damit panligo. nakihiram kami ng damit at shorts na panligo. and after it pumunta kami ng lote para hiramin yung camera ng ate ni M-M. tapos ako na ang maswerte dahil nakita ko yung boxer na sa tito niya pala. sinundo kami ng van at hinatid sa resort.
at sa resort, yun na kasi yun na talaga. we ate dinner first at SWIMMING TIME NA!!!
group picture muna, hahaha.
regine, me, queensy, matapos 'tong group picture naming tatlo, bigla akong tinulak ni Regine sa pool. hahaha, ambastos lang. hahaha
during this time, the pool was smoky. haha
at habang nag-eenjoy kami sa pool panay kulog naman at pagpatak ng ulan. tapos panay takutan pa sa lumalangoy raw umanong palaka. and also nag-enjoy rin sa slide. haha
gio, christine, me. matapos ang pagbababad sa pool kami na ang nagpatuyo na muna.
habang si Queensy naman, bumida sa pagkanta. hahaha
and then picturan naaaa! hahaha
and here we are, the former BT :D sayang nga wala ang iba. hahaha.
okay, so soobrang saya lang ng araw na yun. e kasi naman lahat biglaan. we never thought that in the end of the day makakaligo kami sa pool ng libre. soobrang saya lang, tapos biglang naging reunion rin namin. pero yun nga lang sayang wala ang iba.