ULTIMATE FAN
Simpleng Tulad Mo (DANIEL PADILLA)
Ang paghanga ay damdaming ating nararamdaman kapag tayo ay mayroon nagustuhang katangian o kaugalian sa isang indibidwal. Paghanga na kung minsan umaabot na sa punto na mamahalin mo na ang taong iyong hinahangaan. Basta para sa akin, ang lubos na paghanga sa isang tao ay hindi naman nakakasama lalo na kung ang taong iyong hinahangaan ay mayroong magandang naiidudulot sa iyong buhay at siya ay magsisilbing magandang huwaran sa atin.
Maginoo, responsableng anak, mabait at mapagbigay na kapatid at kaibigan, mapagmahal na tao at higit sa lahat hindi kinakalimutan ang kanyang pinanggalingan at may takot at marunong magpasalamat sa Diyos. Iilan lamang yan sa mga magagandang katangian ng aking iniidolo. Oo, may isang tao na labis kong iniidolo. Siya ay isang artista, at siya ay si DANIEL PADILLA. "He came like a bolt of lightning. A career infront of the camera was not in his plans but destiny had other ideas" -- Isang binata na hindi inaasahan ng lahat na yayanig sa buhay ng maraming tao. Sino nga bang mag aakala na ang binatang may simple lamang na pangarap noon sa buhay para sa kanyang pamilya ay isa na ngayon sa mga taong hinahanagaan at tinitingala ng karamihan. Ang binatang nakabihag at patuloy na bumibihag sa puso ng napakaraming babae, anuman ang kanilang edad.
Nagsimula sya bilang si Daniel Ladesma, sa programang Gimik 2010. Noon, isa lamang sya sa mga bagong artista na hindi sigurado kung magtatagal ba ang karerang kanyang pinasukan. Ngunit ang pagkakataon nga naman, dumarating minsan ng hindi inaasahan. Nakatadhana nga talaga ang kanyang buhay na siya ay maging artista. Pagkatapos ng programang Gimik 2010, sinundaan naman ito ng Growing Up kung saan siya ay si Patrick Rivero, isa sya sa mga bida sa seryeng ito. Dito na unti unting umusbong ang kanyang pangalan. Isa din ito sa mga naging daan upang magkaroon ulit sya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento sa telseryeng ipinagkatiwala din sa kanya, ang Princess and I. Nakilala siya bilang si Gerald Antonio Dela Rosa o mas kilala bilang si "Gino". Sa teleseryeng ito naging matunog na ang kanyang pangalan at nagsimula na ang kanyang pag angat, ang kanyang pagsikat. Sinundan pa ulit ito ng isa pang telserye, ang Got to Believe, ang kanyang ginampanang karakter ay si Joaquin Manansala. Masasabi kong sa teleseryeng ito, mas lalong nakita ang kanyang kagalingan at potensyal sa pag arte. Dito rin mas nahubog ang kanyang talento. Hindi lamang sya sa telebisyon nagkaroon ng pagkakataon para maipakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte. At ngayon nga, tayo ay pinapahanga nanaman ni Daniel Padilla sa kanyang pagganap bilang si Angelo Buenavista sa napakapatok at talagang tinatangkilik na teleserye mula noon hanggang sa ngayon. Nagkaroon din sya ng mga pelikula na kung saan isa sya sa mga naging bida, kabilang na dito ang-- Must Be Love (Ivan Lacson), 24/7 in Love (Billy Fernandez), Sisterakas (Angelo Santos), Pagpag (Cedric Castillo), Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak (Nato), She's Dating the Gangster (Kenji/Kenneth Delos Reyes), Crazy Beautiful You (Kiko Alcantara). Nagkaroon din sya ng maraming mga commercial sa TV. Sa katunayan, tinagurian din syang "endorsements prince" dahil sa dami nga ng produktong kanyang iniendorso. Hindi na rin mabilang ang mg pagkakakilanlan o mga parangal na iginawad sa kanya. Kinikilala din sya bilang isang "Recording and Concert Star", nagkaroon sya ng tatlong album na tumanggap ng mga planitum awards bawat isa. Napuno din nya ng dalawang beses ang Aranreta Coliseum ng siya ay magconcert. At sa darating ngang June 13, 2015, kanya namang yayanigin ang Mall of Asia Arena sa kanyang ikatlong major concert.
Napakalayo na nga ng narating ng karera ni Daniel Padilla. Ngunit madami pa rin sa iba na hindi lubos nakakakilala sa kanya ay nagiisip pa rin siguro at nagtataka kung bakit napakaraming nahuhumaling sa kanya. Minsan nga may narinig ako, ang sabi nila, "hindi naman sisikat yan kung hindi yan Padilla e." Ngunit ano nga ba ang alam nila tungkol sa kanya? Siguro nga sa mga isipan at mata ng iba, gwapo at malakas ang kanyang karisma kaya maraming nagkakandarapa sa kanya. Oo nga't artista sya, pero kung makikilala mo sya ng husto, hindi lamang iyan ang mamahalin mo sa kanya. Hindi lamang ang kanyang gwapong mukha ang iyong magugustuhan. Iidolohin at mamahalin mo siya sa mga taglay niyang katangian at kaugalian.
"Gentleman"-- sigurado ako na kung magtatanong kayo sa mga tagahanga ni Daniel Padilla kung ano ano ang kanilang nagustuhan sa kanya ay kabilang iyan sa kanilang mga isasagot. Ang pagiging maginoo niya ay likas na sa kanyang sisitema. Marami na ang naging saksi rito, mapa kapwa man nya artista o mga taong nakapaligid sa kanya araw araw. Isa ito sa mga maraming dahilan kung bakit napakaraming nahuhumaling sa kanya. Ang kanyang pagbibigay galang at respeto sa bawat taong nakakasalamuha niya lalong lalo na sa mga babae ay nakakaimpres talaga.
Mabait na kaibigan. Ang pagpapahalaga sa kanyang mga kaibigan ay isa rin sa mga katangian niya na hinahahangaan ng karamihan. At bago siya pumasok sa kanyang larangan, Daniel Padilla was a regular guy who loved to kick back with his barkada. Sa mga kaibigan din nya lumalabas ang makulit na side ng isang Daniel Padilla. Hindi rin niya kinakalimutan kung saan siya nagsimula, nagsimulang sumikat sa unang larangan kanyang minahal at patuloy na minamahal. Ang pag awit. Bago siya naging artista, siya ay naging isang "bassist" sa dati nyang banda na Parking Five. Sa banda din ito nagsimula ang kanyang mga pangarap. Sila ang mga kaibigan nya na pare-pareho ang pinagdaanan at pare-pereho din ang mga pangarap. Dito siya nagkaroon at nakatagpo ng mga totoong mga kaibigan na itinuturing na nyang mga tunay na mga kapatid. Hanggang ngayong sikat na sikat na siya, ang pagkakaroon ng oras sa kanyang mga kaibigan ay hindi nya nalilimutan.
Responsableng anak, mapagmahal at mapagbigay na kapatid. Mga katangian na sigurado ako na sasang ayunan lahat ng nakakakilala kay Daniel Padilla sa harap man o likod ng camera. May nabasa nga ako ako sa isang magazine, isang interview sa kanya, ang sabi nya -- "Yung araw na naputol yung kuryente namin hinding hindi ko makakalimutan yun. Grabe yun! Pero salamat sa Meralco kasi natuto ako nu'ng ginawa nila yun, dahil yun yung naging trigger para sabihin ko sa sarli ko na kailangan ko ng ayusin to."-- Isa lang yan sa mga rason kung bakit pinasok niya ang showbiz. Ito ay dahil lahat sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Mga pagsubok at karanasan sa buhay ang nag udyok sa kanya na subukan ang pagiging artista. Ang pag aartista ay wala sa kanyang plano, ngunit noong nakikita niya na nahihirapan ang kanyang pamilya sa kanilang sitwasyon, siya na mismo ang nagudyok sa kanyang sarili na magtrabaho para sa ikagiginhawa nila. Ayaw niyang iparanasan sa mga nakababata niyang kapatid ang mga naranasan niyang paghihirap. At sa kanya ngang pag angat, kailanman ay hindi sya nagdamot. Nariyan lagi ang kanyang mga kamay na laging bukas sa pagtulong. Pagtulong na hindi kailangan nakatutok pa ang camera. Hindi rin niya nakakalimutan na magpasalamat sa Diyos, na siyang may gawa at nagkaloob sa kanya lahat ng ito. Pati na rin sa kanyang mga taga hanga, parati itong nagpapasalamat sa mga ito dahil alam nya sa sarili nya na kung wala ang kanyang mga tagahanga ay wala rin sya kung ano mang kinalalagyan nya ngayon. Iyan parati ang kanyang sinasabi. Sa kabila din ng kanyang kasikatan, nananatili syang nakakatapak sa lupa. Ayaw nyang ipasok sa kanyang sistema ang pagiging sikat, dahil alam daw niya na ito'y lilipas din. Isa din siyang "humble" na tao.
Hindi biro ang mga pinagdanan ni Daniel bago nya marating at makamit lahat ng mayroon siya ngayon. Ang pagkakaroon nya ng masaganang buhay, malaki at magandang bahay, mamahaling mga gamit, kotse at marami pang iba ay bunga at katas ng lahat ng kanyang paghihirap at pagsusumikap. Ika nga sa kanta nya "Nasa iyo na ang lahat". Ang hangaan at mahalin siya ay hinding hindi mo pagsisihan. Siya ay nagsisilbi bilang inspirasyon at magandang huwaran sa mga kabataan ngayon na lubos lubos syang hinahangaan. Ang kanyang pagmamahal at pagmamalalasakit sa kanyang pamilya, kaibigan at maging sa kanyang mga fans at pagtulong sa kanyang kapwa ay tunay na kahanga hanga. Ang pagiging dedicated nya rin sa kanyang trabaho, ay talagang nakakainspire! Makikita mo sa kanya kung gaano na nya talaga minamahal ang trabaho nya at kung paano nya pahalagahan iyon. He never fail to amaze me, araw araw may mga bagong rason akong nakikita para mas mahalin ang tulad niya.Â
Ang kasiyahan na naidudulot nya sa napakaraming tao na sinusuportahan siya ay hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay o pera. Ngumiti lang sya, marami na kaming sumasaya. Hearthrob, Endorsements Prince, Recording and Concert Star at King of Hearts. Yan, yan ang aking idolo, si Daniel John Ford  Elago Padilla. Salamat sa inspirasyon, idol!
  Pag-asang Maiituturing (I deserve to win tickets)
 Unang-una po sa lahat, maraming maraming salamat po sa chance na ibinigay nyo sa aming mga fangirls ni DANIEL PADILLA na manalo ng ticket para sa darating na concert ni Daniel Padilla. Thank you for giving us this kind of opportunity, na makapunta sa concert ni DJ.
For me, every fangirls/fanboys na sasali sa contest na ito ay deserving manalo ng ticket. Sabi nga ni NANAY LEA, "People will give anything and everything for love", just like us, -- "FAN GIRLS WILL GIVE ANYTHING AND EVERYTHING FOR LOVE." I love Daniel Padilla so much na kahit ano gagawin ko at ibibigay ko ang pinakabest ko para lang manalo ng ticket at makapanuod ng concert nya. Hindi naman kasi kami ganun kapera para makabili ng ticket ni DJ. Can't afford e. Kapag nga may mga mall shows sya or event, talagang pinag iipunan ko talaga para lang makapunta. Hindi naman kasi ako agad agad nakakahingi ng pera sa parents ko. Alam ko din naman na mahirap magkapera sa panahon ngayon, at nakakahiya din naman maghingi sa kanila para sa pagpafangirl ko. Sinusuportahan naman nila ako pagdating sa pagpafangirl ko pero pag dating kasi sa money, ako na gumagawa ng paraan. Just like DJ, diba gumawa din sya ng paraan to support his family sa pangangailangan nila. He's not just an artist na iniidolo namin, but he is also an inspiration to us.
Alam na alam ko na karamihan sa aming mga fangirls gagawin lahat magkaroon lang ng ticket. At isa na ako dun, I will do anything para makapunta sa concert ni DJ at isa na nga doon ay ang pagsali ko sa contest na ito. Gustong gusto ko talagang manalo ng ticket at makapanuod ng concert ni Dj this coming June 13, 2015. Never pa kasi akong nakapanuod ng concert nya, yung Daniel Live at DOS. Gusto kong maexperience yung makapanuod ng live na live na concert nya, nakakasawa na kasing maging team bahay. Gusto ko din maexperince yung mga nararanasan ng mga kaco-fangirls ko habang naununuod ng concert. Yung tipong maiiyak ako sa sobrang tuwa, saya at syempre dahil sobrang proud ako habang pinapanuod ko syang magperform. Gusto kong masaksihan yung isa nanamang achievement sa buhay nya. At most of all, gusto kong makapunta sa concert nya to show my love and support to him. This is my way of saying thank you to him (yung makapunta ako sa concert nya) for making me happy sa loob ng mahigit 3 taon at sa darating pang mga taon na susuportahan ko sya. Supporting and loving him is one of the best decision I've ever made. Gusto kong maging kabilang sa libo-libong fans ni Dj sa darating na concert. Gusto ko kasama ako sa isa nanamang mahalagang pangyayari sa buhay ni DJ. He will make us again very proud.
To witness his concert is one my dream. At naniniwala akong dreams really do come true, at kung sakali man, kayo ang tutupad sa isa kong pangarap kung ako man ang mananalo (sana talaga). Sana makarating sa inyo itong entry ko at mabasa po ninyo. Once again, maraming maraming salamat po sa chance na 'to. God bless you always and more blessings to come!Â
"Never stop doing little things for others. Sometimes those little things occupy the biggest part of their hearts."Â Â THANK YOU!!
 -- @imjnclxbny (Twitter Account)
Jenica Laxa Bunyi
#157 San Sebastian, San Luis, Pampanga
09264716061








