The Who ??? (si V & Z)
Sa bawat tagpo ng dalawa Puso ni “V” ay tumitibok ng kay bilis Halos di mapakali, di alam ang gagawin Kakanan ba, kakaliwa o ika’y papansinin? Pilit na itinatago Pilit na di pinapahalata Pilit na di mag pahiwatig Upang ang pagkakaibigan di maglaho. Ngunit sa di inaasahang panahon Dumating si “Z” Tinging makahulugan Kilos niyang may ipinapadama.  Galaw niyang kapansin pansin Bawat oras ika’y laging bibig, Lihim na pagtingin sayo ni “Z” halata sa paningin ni “V”. Heto na... Heto na...! Karibal ni “V” ay dumating ngunit siya’y di lamang katunggali siya rin’y isang kaibigang matalik. Magkaibigan na parehong umiibig Parehong oras at panahon Parehong naghihintay ng pagkakataon “Parehong taong INIIBIG.” Ngayong mas madalas kayong magkita Madalas na ring magkausap, Pagkakataon nga nama’y kumakampi kay “Z” Pagkakataon na ika’y mahulog sa isang katulad niya, Oras na lamang ang hinihintay Sinong unang magtatapat? Di alam ni “V” ang gagawin Bagkus inihahanda ang sarili Masakit mang isipin Mahirap mang tanggapin Kaibigan niyang si “Z” ay tumino mula ng ika'y dumating Marahil magpaparaya na lamang.
-cmt26 ^_^














