Araw ng mga (insert bitter-lentine word here)
Araw ng mga puso. Hearts Day. Valentine's Day (with apostrophe. Kasi yan ang tama) at marami pang ibang tawag! Parang pasko yan eh. Inaabangan ng nakararami, lalo na ng mga magkasintahan at mag-irog na hindi magkandamayaw sa pagpplano ng gagawin nila sa araw na ito. Pero bakit? Ano bang ispesyal sa araw na to? Ano bang dahilan kung bakit napakamahal ng bulaklak at tsokolate, gayung isang natural na araw ito?
"Balentayms kasi. Wag kang bitter."
Yan ang sagot ng iba. Ang iba naman, may pa ignore ignore pang nalalaman at panay sabing
"It's just an ordinary day no. Nothing special", *sniff *sniff
Valentine's day. Hindi Valentines day. Ang dami namang Balentino nun. Ito ay ang araw na pinagdiriwang ang araw ng mga puso, o romantic love bilang pag-alala sa mga gawain ng mga nakaraang St. Valentine (marami kasi sila. So medyo valid na yung argument ng Valentines vs. Valentine's).
Love. Pag-ibig. Pag-irog. Pagmamahal. Lahat naman siguro ng tao ay may natural na pagmamahal. Hindi lang ito partikular sa isang espesyal na tao. Maaaring pagmamahal ito sa alagang aso, pusa, daga, ipis o gagamba. Ang pagmamahal ng tao ay matuturing na tunay na makapangyarihan. Dahil sa pagmamahal, nagagawa ng tao ang mga bagay na hindi niya sukat akalaing gawin. Mga sakripisyo, pasakit at paghihirap, para lamang mapasaya at mapagsilbihan ang kanyang minamahal. Pamilyar ba?
OO.
HINDI LAMANG SA BOYFRIEND/GIRLFRIEND/WIFE/HUSBAND ANG ARAW NA ITO. ITO AY PARA SA LAHAT.
Agape, Philia, at Eros. -- yan ang tatlong klase ng pag-ibig. At gaya ng sinabi kong araw ito para sa romantic love, yun ay sabi lamang ng wikipedia. Ngunit ang tunay na diwa ng Valentine's Day ay ang celebration of LOVE per se.
Di naman siguro mabigat sa bulsa mo kung ibili mo ng isang pirasong bulaklak ang nanay mong sugat na ang kamay, stressed at nakukuba na ang likod kakatrabaho para sayo. Di naman siguro nakakahiyang tawagan at padalan ng E-Card ang tatay mong nasa abroad at nangungulila sa iyong boses. At lalong hindi naman siguro mahirap ang magbigay ng limang minutong katahimikan at pakikipag-usap sa KANYA.
Walang sense kung magiging bitter ka at apektado sa mga taong may dala-dalang bulaklak, tsokolate at valentine card. At wala rin namang kaso kung ikaw ang may dala-dalang bulaklak, tsokolate at valentine card. Hindi normal na araw ang February 14. This is your chance to make somebody's day special. It doesn't have to be your partner. It could be your family. Your friends. It could even be yourself. You are actually blessed well enough for reading this blog from your laptop, cellphone or desktop. While most people are thinking about how they are going to get through Valentine's Day, other people are struggling to get through every single day without anything at all.
Happy Valentine's Day.
-ino- <3















