06/30/17 Sa wakas after 2 years nagkita rin kami ulit ni @antooookim!!! Huling kita namin nung TSAMU2015 pa. Ang tangkad na niya samantalang ako eto pandak pa rin hahaha syempre ang arte pa rin ng boses niya at super daldal pa rin dami niyang baong kwento kaloka haha. Tapos ang cute lang ng usapan namin kasi we talked about indie bands and indie films basta all about indie, pati na rin yung mga indie kami gusto hahaha. Wala lang, ang cute lang kasi ng mga ganung usapan parang ang chill lang, dapat pala sa coffee shop na lang tayo no para mas chill, char! Bihira lang kasi talaga ako magkaroon ng kausap na kapareho ko ng interests sa buhay, feeling ko na kasi minsan ang weird na nung mga gusto ko kaya parang wala akong makausap haha so it's nice to know na I still have friends na tanggap yung pagiging weird ko wahaha. So ayun medyo bitin sa kwentuhan kasi gagabihin na kami pareho. Sana next time kumpleto na tayo TEAM T!❤








