Iza versus Andi
Continue Reading... http://gd.is/mCfzTw

seen from United States
seen from United States
seen from France

seen from United States

seen from China
seen from Ecuador

seen from China
seen from Ecuador

seen from Russia
seen from United States

seen from Ecuador
seen from Norway
seen from Lithuania

seen from China
seen from China

seen from China
seen from China
seen from China
seen from Norway
seen from United States
Iza versus Andi
Continue Reading... http://gd.is/mCfzTw

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch β’ No registration required β’ HD streaming
Sana siniraan na lang
TAPATAN Ni Jay Sonza Feeback: [email protected] or [email protected] Facebook: www.facebook.com/t2j.sonza __________________
Nais kong linawin na kung totoong may kasalanan (impeachable offense) si Renato C. Corona bilang mahistrado ng Korte Suprema ay isa ako sa kabig na patalsikin siya sa puwesto ora mismo. Ngunit kung wala niyan, dapat lamang na ibasura ang kaso o mga kaso, bayaran siya ng danyos at ikalaboso ang lahat ng may akda ng mga paratang.
Kapag kinasuhan ang isang tao, dapat ay patunayan ang lahat ng habla na ipinupukol mo laban sa kanya. Ganito sa sistema ng hustisya, maging iyan ay sa korte ng batas (Court of Law) o kangaroo court (Peopleβs Court). Sa madaling salita, hindi puwede ang sabi-sabi at gawa-gawang paratang. Kailangan mga totoong patunay.Β Β
Hindi na sana kinailangan pang i-impeach si Chief Justice Renato C. Corona kung ang habol lang nila ay magbitiw sa puwesto o magbikti ito. Hindi na dapat pang gumastos ng pera ng bayan para lustayin lang ng mga nagbibida-bidahan.
Dapat ay siniraan na lang ng siniraan ang mahistrado. Ginawan ng isang damakmak na kuwento, naglabas ng kung ano-anong dokumento peke man o totoo, nagsalita ang kung sino-sinong Herodes.Β Tutal ganito rin naman ang kinahinatnan ng lahat ng kanilang ginawa at ginagawa.
Akala siguro ng may akda ng lahat ng ito ay tanga at kalahati ang lahat ng Filipino. Gawin ang paninira ng paulit-ulit hanggang sa ang mismong gumawa nito ay pinaniniwalaan na ang lahat ng paglulubid ng kasinungalingan.
Tingnan nyo β ipinagharap ng walong sakdal, pagkatapos ay iniatras ang lima at kalahati; ang mga paratang ay hindi (impeachable offense) pagpapatalsik ang karampatang parusa; ang mga ebidensiya ay puro kundi man karamihan ay gawa-gawa (peke); ang mga saksi ay halos sabi-sabi lang alam (hearsay) ang alam; ang mga datos ay (bloated) ilang ulit na pinalaki upang magmukhang karumaldumal.
Galit na po siya!
TAPATAN Ni Jay Sonza Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod
---------------------
2ND OF 2 PARTS
ANG problema sa Bureau of Customs kaugnay ng kakapusan sa pangungulekta ng buwis at taripa, dagdag pa rito ang pagpupuslit at technical smuggling ay nandiyan na bago pa man maupo ang Pangulong Aquino. Katunayan, mismong ang pamunuan ng Chamber of Filipino Industries mismo ang nag-ulat noon sa samut-saring katiwalian sa BOC.
Batay sa mga nauna ng pananaliksik at pag-paaral, hindi bababa sa 100 bilyon piso ang nawawala sa gobyerno sa pagpupuslit ng bakal, semento at hardware products; mga 100 bilyong pisong buwis din ang hindi nakukuleta dahil sa pagpapalusot sa pamamagitan ng mga locator sa free ports (Clark, Subic, Irene, Baler, Cavite, Zambales, etc.); 100 bilyong pisong halaga rin ng taripa ang nawawala dahil sa mga paihi ng petro products; 100 bilyong piso rin ang napupunta sa bulsa ng mga makakapal ang mukhang tauhan ng Aduana.
Nandoon na ako. Galit ka nga Mister President. Pero balewala sa mga taga-Customs iyan. Ang panabi diyan β lilipas din iyan. Magpalamig-lamig lang tayo. Manghuhuli lang tayo paminsan-minsan at ipa-press iyan, ayos na iyan.
Ang maganda po Ginoong Pangulo, sampulan nyo. Subukan mong alisin sa X-ray si Mangawang, tanggalin mo sa Port of Manila si Gatchalian at dahin mo sila sa Sub-Port ng Polyok, Cotabato at Sub-Port of Ozamis, Misamis Occidental.
Ipag-utos mo na harangin at idaan sa X-ray ang lahat ng parating nina Tina Yu, Manny Santos, Boy Valenzuela, Big Mama, Baby Reyes, Danny Ngo, Frank Wong, Fred Mozo, Grupong Lim at Teves Group.
Tiyak makikita po ninyo Mr. Presidente ang diperensiya.
Mistrial (Maling Pagdinig)!
TAPATAN β ni jay sonza
Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod ββββββββββββββββββββββ
Malinaw sa akin na ang pakay ng isang impeachment process para sa isang impeachable official (President, Vice President, COA Chairman, Ombudsman, COMELEC Chairman, and Supreme Court justices) ng bansa ay upang patalsikin sa puwesto at ituwid ang isa o maraming pagkakamali.
At dahil ito ay isang paraan, kundi man siyang pinakamatuwid na daan, kinakailangan na maayos ang proseso o paraan ng paglilitis. Kaya madalas nating naririnig ang mga salitang: ang paglilitis ay alinsunod sa Saligang Batas, sa mga patakaran ng Korte at salig sa mga pamantayan ng mga katibayan at batas.
Malinaw sa mga sumubaybay noong Lunes, ika-13 ng Pebrero ang dalawang bagay. Ang mga ginawang batayan ng taga-usig (prosecution) upang makakuha ng atas (subpoena) mula sa impeachment court ay nakalap ng labag sa batas o dili kaya ay huwad o peke.
Lumabas din kamakalawa ng gabi na nagsinungaling si Rep. Rey Umali (Mindoro Oriental) ng sabihin niya na ibinigay sa kanya ng isang βsmall ladyβ ang mga bank documents sa loob ng Senado. Kamalas-malasan ng public prosecutor, wala ni anino ng small lady na lumapit o nag-abot ang nakita sa CCTV.
Dahil sa pangayayaring ito, dalawang bagay ang maaring mangyari sa araw na ito sa impeachment trial. Una β maaring magdesisyon ang Korte na balewalain ang lahat ng record ukol sa mga dokumento at pahayag ng saksi na may kinalaman sa Atas batay sa doktrinang βthe fruit of poison treeβ¦β
Pangalawa, dahil sa pagkakamaling ito ng taga-usig o nagsasakdal, maari itong maging daan para humingi ang nasasakdal o maghayag mismo ang korte ng mistrial o pagpapawalang bisa ng pagdinig sa kaso.
Nasalaulang Siyudad
TAPATANΒ Ni Jay Sonza Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod ββββββββββββββββββββββ
LAHAT na yata ng taong makausap ko sa nakalipas na ilang buwan ay iisa ang reklamo hinggil sa tindi ng trapiko sa halos buong Metro Manila, lalong-lalo na sa Quezon City, Manila, San Juan at Caloocan.
Sabay-sabay kasi ang ginagawa sa kalsada sa dako ng Quezon Avenue, sa kahabaan ng EDSA, dagdag pa rito ang mga paghuhukay ng Maynilad Water at Manila Water.
Kapuna-puna na kakaunti at madalas kapagka umuulan ay nawawala pa ang mga traffic enforcers sa tuwing umaambon o umuulan sa choke points at iba pang intersections.
Iyong matagal ng iminumungkahing alisin ang lahat ng provincial bus terminal sa loob ng Metro Manila ay nanataling balak na lamang. Hanggang naririyan ang mga terminal na iyan, mananatiling masikip at matumal ang takbo ng mga sasakyan sa kamaynilaan.
Sa Maynila naman, nagpatayo ang city government ng Integrated Bus Terminal sa may Metropolitan Theatre pero hindi naman ito ginagamit. Bagkus, ang ginagawang terminal ng mga bus, jeepney at FX (isama mo pa ang mga kulurom) ay buong Liwasang Bonifacio.
Milyon ang ginastos ng city government para sa proyektong ito subalit walang gumagamit at walang kinikita ang gobyerno.
Hindi ko maintindihan kay Mayor Alfredo S. Lim kung bakit niya pinapayagang mabalahura ang kanyang siyudad. Bukod sa dito nagkakaroon ng bottle-neck ang trapiko, diyan na rin umiihi ang mga driver, kunduktor at maging pasahero. Sa madaling salita nasasalaula ang tinaguriang Capital of the Philippines.
Maliban sa bagay na ito, kapuna-puna rin ang duming nagkalat sa mga lansangan sa Manila City. Napakadusing ng siyudad na dati-rati ay puspos ng linis at ganda.
Nakakahiya ang pangyayaring ito. Ang Maynila kasi ang unang tatambad sa mga dayuhan at turistang nadayo sa ating bansa. Wika nga, Manila is the show window of the country.
Tinatamad na ba si Mayor Lim?Β

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch β’ No registration required β’ HD streaming
Magpakatoo Kayo
TAPATANΒ Β Ni Jay Sonza Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod ββββββββββββββββββββββ
Nakababahala ang balita kamakalawa na isang damakmak na epektos na ginagamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot ang nasabat sa Bureau of Customs. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakahuli ang mga taga Aduana ng ganitong uri ng kontrabando.
Dagdag pa rito ang sunod-sunod na pagkakabunyag ng mga pagawaan ng shabu sa loob mismo ng mararangyang subdivision, katulad na lamang ng sa mismong Ayala-Alabang Village, sa Muntinglupa City. Mantakin ninyo kung kaagano kalakas ng loob ng mga illegal drug operators.
At hindi lang iyan. Hindi maaring maglakas loob ang mga singkit o dayuhan kung wala silang mga kasabwat na mga mayayamang Pilipino negosyante sa loob man ng BOC at sa kilalang subdivision na pinamumugaran ng mga buwena pamilya sa bansa.
Dapat lamang na seryosuhin ng mga bataan ni Commissioner Ruffy Biazon at Gen, Danilo Lim ang kampanyang laban sa pagpupuslit ng mga bawal na gamut o mga sangkap sa paggawa nito.
And speaking of magpakatoo kayo β ganito rin ang hamon ng bahaging ito sa mga bumubuo ng House Prosecution sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Nito kasing nakalipas na linggo ay kitang-kita kung gaano kahina hindi lamang ang mga congressman-prosecutors at pati ang mga private prosecutors.
Hindi lamang sa kinakain ng buong-buo ng kanilang mga katunggaling abogado ng nasasakdal, kundi inaabot pa sila ng indulto mula sa mga senator-judge ng Impeachment Court. Kitang-kita ang kawalan nila ng kahandaan, katamaran at kabobohan sa pagdinig ng kaso.
Kung hindi pa sila tinutulungan nina senador-judge Frank Drilon, Kiko Pangilinan, Ralph Recto, at magkapatid na Alan Peter at Pia Cayetano, malamang-lamang ay sa kangkungan pupulutin ang mga ito.Β
TAPATAN: Eat Bulaga: Socially Responsible!
ni Jay Sonza
Ang hindi magawa-gawa ng mga major television network, nagagawa ng mga independent TV producers - makapaghatig ng saya at tuwa habang naglilingkod ng tunay sa manood. Ganito ang TAPE Incorporated at kanilang progamang Eat Bulaga.
Kung dati-rati ay puro pakuwela sina Tito, Vic and Joey at dabarkads, nitong huling dekada ng kanilang pagsasahimpapawid tuwing tanghali ay napaghahalo nila ang entertainment at social responsibility ng sabay at lalo pang nagpapatingkad ng kanilang palatuntunan at higit pa silang napapamahal sa mga manonood.
Tuwing may pagkakataon, hindi ko pinalalampas ang, lalo na sa segment nilang βJuan for all, all for Juan: Bayanihan of the people.β Sa pamamagitan ng programa, nakakaipon sila ng mga PET bottles na ginagawang mga silya para sa mga estudyante, na siya namang ipinagkakaloob sa mga eskuwelahang nangangailangan.
Pati nga estudyante ng UP Diliman ay nakiisa narin sa Eat! Bulaga para isulong naman ang pagtatanim ng mga kahoy. Nakakadiskubre din sila ng mga bagong talent (singer, comedian, performer, actor, etc.). Ang SOS-PAK (palaging alerto kapag may sakuna) at ABB (alalay Bulaga sa Barangay) ay hindi lamang tulong, kundi isang pagbubukas kamalayan. Pati disiplina ay naitatanim nila sa pag-uugali sa pamamgitan ng bayanihan line.
Ibang klase sina Tito at Vic Sotto, Joey de Leon, Ruby Rodriguez, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola at iba pang Dabarkads. Hindi nakapagtataka kung bakit imbes na malaos ay lalo pa itong namamayagpag sa patuloy na usad ng panahon.Β
Congratulations to Tony Tuviera at Malu Choa-Fagar (executives in-charge of productions) at sa lahat production at technical staff ng programang mahigit ng tatlong dekadang naglilingkod at nagpapasaya sa mga manonood ng telebisyon.Β
Bakit mo siya kailangan TAPATAN kung pwede mo naman siyang LAMANGAN.