Sumusuko sa bagay na ginusto ko.
Di ko alam pero feeling ko lagi nalang ganyan. Baka di talaga meant to be ganon. Kase lagi akong di nasasatisfied. Pero solid. As much as possible ayokong isipin na hindi meant to be. Kase yun yung gusto ko e. Gusto kong magkaroon ng ganon sa buhay ko. Nakakapagod lang kase antagal ko ng naghihintay. Ilang taon na kong naniniwala na magiging okay din yung lahat. Magiging perfect din. Kaso hindi e. Kahit kailan di man nangyare. Nakakalungkot din kase hanggang dito nalang ata ako. Parang mababalewala yung mga years na hinintay ko all my life. Susuko na kase ako. Ayoko na. Ayoko ng magtry. Di ko na kayang pakinggan yung mga salitang araw-araw nalang akong pinapatay. Ayoko parin maggiveup, pero siguro lahat naman ng tao napapagod di ba? Akala ko magiging imposible sa akin yung sumuko. Akala ko di ako mapapagod. Akala ko mapaninindigan ko yung bagay na ginusto ko kahit nasasaktan ako.Â

















