TRAFFIC SA STA.MARIA BULACAN
Sa Pilipinas, mas pinaguukulan ng pansin ng mga gobyerno ang traffic sa Manila, partikular na sa Epifanio de los Santos Avenue o mas kilala bilang EDSA.
Ngunit ang traffic sa bayan ng Sta.Maria Bulacan ay malapit ng matulad sa traffic ng EDSA. Kung hindi pa ito maaksyunan ng mga namamahala, habang buhay magdurusa ang sambayanan. Ang mga sikat na Fast Food Chain ay isa din sa mga dahilan kung bakit lumalala ang trapiko sa bayan ng Sta.Maria. Narito ang mga sumusunod:
Ang mga kainan na ito ay matatagpuan lamang sa gilid ng lansangan na nagiging dahilan kung bakit mas sumisikip pa ang daan. Dahil imbis na maging maluwag ang daan ay nagiging paradahan pa ito ng mga nais kumain sa iba't ibang fast food chain. Kaya ang 4 lanes na daanan ng mga sasakyan ay nagiging 2 lanes Ang bayan ng Sta.Maria ay may kabuuang populasyon na 144,282 sa 29,886 na kabahayan. Marami na nga ang populasyon ng Sta.Maria at mas nadodoble pa ito dahil maraming mga tao na mas pinipili ang mamasyal sa lugar na ito na nanggagaling pa sa iba't ibang lugar. Isa pang dahilan kung bakit lumalaki ang populasyon sa Sta.Maria ay dahil sa migrasyon. Dahil maraming mamamayan ang nakakakita ng mga aktibidad at oportunidad dito, dahil nga marami ang mga puwedeng mapag trabahuhan. Karamihan sa kanila ay dito na namamalagi. Marami rin ang mga 'tourist attraction' sa Sta.Maria at marami rin ang nagagandahan sa mga produkto na gawa ng iba't ibang kompanya na tagalang kinagigiliwan ng mga dumadayo. Narito ang ilan sa kilalang masasarap na merienda na isa rin dahilan kung bakit mas dumadami pa ang mga turista sa lugar ng Sta.Maria Bulacan
Paano nga ba masosolusyonan? Kung sa simpleng pag sunod lamang ay hindi magawa. Ayon sa panayam ng aming mga naiinterview ay mayroon ngang truck ban sa sta.maria ngunit ang iilan sa kanila ay lumalabas na agad bago matapos ang oras ng truck ban. Isa pa sa aming mga nakausap ay mas pinagtutuunan ng pansin ang mabilis na pagdaloy ng baha tuwing umuulan na isa sa malaking dahilan ng pagbigat ng trapiko. Dahil din sa pagbaha hindi na sila makahanap ng alternatibong ruta na maaari pang daanan dahil dagsa ng mga sasakyan sa paligid dahil sa mabilis na pagtaas ng baha Ang pinaka huli ay ang mga pampasaherong sasakyan, may tamang babaan ang mga pasahero ngunit binababa nila ang mga pasahero sa hindi dapat , na nagiging sanhi ng matinding traffic dahil panay hinto ang mga jeep, tricycle na lalong nagpapabagal sa daloy ng trapiko. Nagkukulang din sa mga pedestrian lane ang mga kalsada sa bayan ng Sta.Maria Bulacan kaya tila nakikipag patintero sila sa mga sasakyan na dumadaan. Matinding traffic ang nararanasan sa Sta.Maria at may mga posibleng paraan kung paano natin ito masosolusyonan. Una, bawasan ang pagpapatayo ng establisyimento na pwedeng maging dahilan ng traffic dahil sa pagdami ng tao na pumupunta rito. Katulad na lamang ng pagpapatayo ng mga fastfood chains na sa ngayon ay palaki na ng palaki ang bilang sa loob ng Sta. Maria kaya naman mas maraming tao ang dumadayo rito na nagmula pa sa ibang lugar. Pangalawa, tamang disiplina sa pagbaba ng pasahero. nakakasikip ng daanan ang maling pagbaba ng mga namamasada sa kanilang pasahero. dapat ay maging disiplinado sila sa pagsunod sa batas trapiko. At huli, ay ang pagbabawas ng sasakyan sa daanan. dapat ay pagbawalan ang mga mamamayan na bumili ng sasakyan kung sila ay walang parking sa kanilang tahanan. ang mga iba ay ginagarahe na lang ang kanilang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay na nagdudulot ng matinding traffic sa highway. Dapat ay mas maging disiplinado ang mga tao tuwing sila’y nasa daanan. Sa huli, tayo rin naman ang makikinabang kung ngayon pa lang aaksyon na ang mga nakatataas pati na rin tayo. Kung walang traffic na inaabot ng isa hanggang tatlong oras. marami pa tayong oras na matitira na puwede nating gamitin upang magpahinga o kaya naman ay, ialay natin ang oras natin sa ating mga pamilya, o kung papasok pa lamang sa kanya kanyang opisina o eskwela, puwede na nating simulan ang mga kailangan gawin. Kung magiging normal na ang daloy ng kalsada sa bayan ng Sta.Maria Bulacan, wala ng away na magaganap dahil maiibsan na ang init ng ulo ng mga driver.
TRAFFIC SA STA.MARIA
Hannah Mae Madrilejo
Maria Kyla Belga
Maye Coleen Reyes
Lianne Kacey Nicolas
Zoe Jeunne Beltran
Frances Kylin Pagdanganan
Jesserine Manuel
Katrina Iris Sagana
Grade 10 - St.Benedict















