Para kina StMaJaDaJo :(
Darating yung point na mamimiss mo yung mga dati mong kaibigan. Di maiiwasan yun. Darating yung point na bigla kang mapapatulala tas magf flashback lahat ng kalokohan nyong ginawa. Simula nung panahong naglasing kayo hanggang sa magkakasamang nag foodtrip kahit sobrang lalim na ng gabi at pinagmumura na kayo ng magulang nyo para umuwi na. Pero lahat yun mananatili na lang sa iyong ala ala na minsan meron kang mga nakasamang gaya nila. Gaya nilang matatapang at malalakas ang loob para ipakitang hindi lang sila basta bastang babae. Sana dumating yung araw na maging okay ang lahat. Alam ko, malabo. Alam ko, imposible. Alam ko na kahit anong mangyari eh di na maibabalik ang dati. Alam ko na kahit anong hingi ko ng tawad at pagpapakababa ko sa inyo eh hindi nyo ako mapapatawad. Ganun naman ata talaga pero kasalanan ko. Sana di ako naging OA nung araw na natapos yung pagsasamahang kasama ako sa bumuo. Kasi alam niyo, sobrang namimiss ko na kayo. Sobrang gusto ko kayong yakapin kada makakasalubong ko kayo sa pasilyo ng unibersidad na pinag aaralan natin. Sobrang gusto ko na ulit kayong makasama at makatawanan, makainuman din kung kinakailangan. Sobrang gusto ko na ulit marinig yung tawa nyo sa lahat ng ating mga kalokohan. Pero wala na talaga. At alam kong hindi na maibabalik pa. Pero sana maisip niyong minsan naging bahagi nyo din ako. At sana maisip niyo din na kahit ako ang may kasalanan bakit ako nalayo sa inyo eh naaalala ko pa din kayo at namimiss dahil ayun ang totoo. Sobrang miss na miss ko na kayong lima. Sobrang sobra.













