Jun 03, 2026
Another day, another pagod. Pagpasok ko pa lang sa office... rekta timpla agad ng kape. I really wanted to be productive but my mind and body just wanted to shut down and rest forever.
Nakakatawa yung nangyari kagabi. Habang may basketball game sa office... andun ako but I was totally out of it. I tried to play ML to keep myself occupied pero hindi ko namalayan na nakaka-idlip na pala ako habang nag-gegame. Imagine, naka-rank clash pa naman kami!
Mind you, naka-tatlong rank game ako hahahah! Pero hindi talaga maayos yung paglalaro ko. May isang beses pa habang nagka-clash parang wala talaga akong gana maglaro... as in lutang na lutang.
Tapos may nag-message pa sa akin na sobrang gigil, sabi... Si Hanabi na nga lang ginamit mo, di mo pa kayang laruin ng maayos. Mag-quit ka na lang maglaro, piste ka!
Instead na magalit o matawa... binasa ko lang yung message at sinabi ko na lang sa sarili ko... Sorry, bawi na lang next time. Hahahaha! Akala mo siguro regular teammate mo ako pero random player lang naman ako na sobrang antok na. Sorry guys, my brain was literally at 1% battery.
So eto pa, dahil sa antok, I was slouched on the chair like a total mess. Tapos nalaman ko na lang, pinag-uusapan na pala ako ng isang group ng employees... kesyo kawawa raw ako, pagod na pagod sa work or maybe they thought I was being forced to extend. hahahah.....
Grabe, ang judgmental! Hahaha. It’s hilarious how they were debating the reason behind my exhaustion. Yes, the work is draining and I’ve been absorbing some negative energy but I was mostly just fighting for my life to stay awake.
Sa mga nakakita sa akin kagabi, oo.... pagod ako but it was mostly just the sleepiness talking! Next time, gisingin niyo na lang ako instead of holding a board meeting about why I’m slouched over while playing ML. Hahahaha.
More coffee, please... para hindi ako mag-shutdown sa harap ng mga tao mamaya. Gusto ko na matapos itong week na ito, masyado na akong quota na quota hahaha, energy drained na si ako.
















