Tips Para Sa “Simpleng Pagtitipid”
Gusto ko lang po sanang magbahagi ng sarili kong paraan sa pagtitipid ng pera.
1. Laging magkaroon ng barya sa wallet. Hindi para pangpaswerte kundi para sa lahat ng oras ay sakto ang ibabayad o ibibigay mo. Walang labis, walang kulang. Sakto. 2. Magkaroon ng dalawang wallet, 'yong isa para sa "panggastos" na may saktong laman at 'yong pangalawa ay para naman sa "hindi pwedeng magastos/ipon/pang-back-up-money-kapag-kinulang-'yong-una". 3.Laging magkaroon ng tig-25cents sa wallet. Kung 'yong ibang tao ay minamaliit at hindi binibigyang halaga ang bentsingko, para sa'kin ay mahalaga 'to. Lalo na sa mga pagkakataon na ang babayaran ay may sobrang halaga na nasa sentimo. Manghinayang! Dahil hindi mabubuo ang piso kung kulang ng isang bentsingko. Dahil ang 7.50 ay 7.50, hindi 8! 4.Laging i-grab ang bawat opportunity na magka-discount. So, always have your school I.d (especially on weekdays) at senior citizen I.d with you. 5.Doon ka sa kung saan ka mas makakatipid. (Halimbawa: choose to ride a jeepney instead of FX, ordinary bus instead of aircon bus) pero s'yempre, doon ka pa rin sa kung saan ka magiging komportable ha. wink emoticon 6.Mas piliin ang mga bagay na mura ang halaga pero maganda ang quality. 7.'Wag na 'wag palalampasin ang mga pagkakataong minsan na lamang magkaroon ngayon, ang "libre o walang bayad" (halimbawa: libreng pagpapacheck-up, ililibre ka ng pagkain, (libreng concert hehehehe)) dahil sinisigurado ko sa'yo, hindi ka lang mabubusog o mag eenjoy, makakatipid ka pa, nang bongga! 'Yon nga lang, madalas sa mga ganyang oportunidad ngayon ay kailangan mo ng mahabang pasensya at pagtitiyaga.(Halimbawa: libreng injection for anti-rabbies) 8.Mas i-prioritized ang mga "pangangailangan" kaysa sa mga "luho o kagustuhan". Gawin mong motivation ang isa sa moral lesson sa loveteam na AlDub; "may tamang panahon" (para sa mga bagay na gusto mo). 9.Hindi dahil sa nagtitipid kay ay takot ka nang gumastos, 'wag O.A! 10.Hindi dahil sa nagtitipid ka ay hindi ka na rin magbibigay. Matutong magbigay. Lalo na sa mga nangangailangan. Mas masarap sa pakiramdam na makatulong sa kapwa, laging maging goal ang maging blessing ka sa ibang tao dahil sinisigurado ng ating Ama sa langit na hindi lang doble kundi triple pa ang magiging balik na biyaya Niya sa'yo.











