Mahal talaga ako ni God. ♥
Diary ko naman ang tumblr eh, kaya magsheshare ako kahit family problem talaga.
Ang drama ko talaga kagabi, Sinabayan ng crushed heart ko yung family problem namin.
My last tumblr post kasi for last night was the text post ko. Tapos, moments after kong mag-log off at patayin ang laptop, nanuod ako ng TV. Habang nanunuod ako ng TV non, narinig ko na pinapagalitan ni mama yung little brother ko. Hindi ko na pinakealaman kasi nga baka madamay ako, baka maBadshot at hindi makasama sa Kasangga kinabukasan.
After ni mama na pagalitan si Gio, lumabas yung brother ko ng kwarto then pumunta siya sa kwarto ng papa and he stayed there instead. Ako naman, nanunuod padin ng TV.
Siguro mga after 10 mins I heard mama crying, I ran sa kitchen to get her water then pinuntahan ko siya. Sobrang nanikip yung dibdib ni mama at dahil napraning ako, wala akong magawa. Narinig ni papa yung iyak ni mama kaya pinuntahan niya si mama at kinomfort. Akala ko talaga aatakihin si mama, may heart problem kasi siya.
Mga around 5 minutes din na iyak ng iyak si mama, tapos nung tumigil na siya sa pagiyak, eh di nakatulog na siya. Sinermonan kami ni gio ng papa, lalong lalo na ako. Ang haba ng sermon sakin ng papa, parang homily at mabuting balita eh. Alam mo yung pinakanakaapekto sakin na pert ng sermon ni papa? Eto:
"You've been a big burden to us. Wag ka na mag-asam na you'll study sa Manila. You're so irresponsible! Wag na wag ka na din aattend ng mga activites na hindi related sa school. Mas maayos na din if you stop dancing, kakausapin ko coach mo. Aalis ka na sa pagsasayaw. Hindi ka din aalis bukas, dito ka lang sa bahay. Tama na yang paglayas mo."
I was really sad when I heard papa tell that to me. Sobrang nasaktan ako. Pinipigil ko nga yung mga tears ko, as in. Saka ako umiyak nung lumabas ako ng kwarto at wala na si papa. Sa Sala pa nga ako natulog kasi nga nakatulog ako kaiiyak.
Napaisip talaga ako. Sobra.
Pano na ang pagsasayaw? I love it too much to let it go, sobra. I'm too devoted.
Pano na ang YFC? I'm too attached to my YFC brothers and sisters. I'm too attached to God. I worked hard to get to where I am in the community.
Pano ang pagaaral ko sa Manila? Hagya na akong nakapasa sa Mapua tapos ganito lang. Grabe, sayang yung hardships ko.
Pano and SIKAL? Bago pa lang ako tapos ganito na agad. I haven't earned many friends yet sa group but still, alam mo yung bago ka lang tapos bigla kang hihiwalay, masakit.
Pano ang VIP? Grabe. Three years. I worked my butt off for three years. Three years of lessons, trainings, rehearsals. Tapos, papakawalan ko? Ano ba naman yan! Sobrang attached na ako eh! Dito ko nalaman yung tunay na meaning ng pagsasayaw.
Pano na? Pano na lahat ng pinaghirapan ko?
This morning, I was so kabado nga kasi diba Kasangga tapos syempre naalala ko na bawal akong umalis ng bahay. Nakapagsabi na ako kina Renz na sure na sasama ako. Susunduin pa naman ako ni Neya dio sa bahay (natural na yung sinusundo ako ng mga friends ko pag aalis).
Pagkagising ko, I did chores. Bongga! Tapos, lahat ng utos ni papa sinunod ko. Hala! Biglang dumating si Neya pero di padin ako payagan. Inutusan ako ni papa na pumunta kina lola kahit late na ako sa time ng pagmemeet namin. Tinawagan ko muna si Renz at sabi ko nga na may ginagawa lang talaga ako. Sa mga lola ako naligo, nagbihis at kumain. Biglang dumating din si papa sa bahay ng mga lola. Shet! Hindi talaga ako pinayagan. Tapos biglang dumating din si mama. Ipinagtanggol nila ako kay papa tapos umiyak ako, as usual.
Ayun, nakaalis din ako. Napayagan ako. Talagang pinagpray ko na payagan ako, umiiyak ako kay God kagabi. Sabi ko talaga, "Lord, kahit wala akong pera tomorrow. Gusto ko lang talaga umattend."
Mahal talaga ako ni God, nakaattend ako eh. ♥