Paano kung bumalik siya? Makakalimutan ko bang iniwan niya na ako dati?
Paano kung bumalik yung feeling? Makakalimutan ko ba lahat ng natutunan ko at magpapakatanga ba ulit?
Paano kung bumalik ang oras? May babaguhin ba akong mga bagay na pinagsisihan ko?
Paano kung bumalik yung sakit? Kakayanin ko parin ba?
Paano kung bumalik yung pang-iiwan? Hihintayin ko parin bang bumalik siya ulit?










