Ano nga Ba ang Search Engine Optimization?
Tuwing ikaw ay nagsasagawa ng online research, malimit kang gumagamit ng tulong ng mga search engines kagaya ng Google, Yahoo at Bing. Gamit ang mga nabanggit na search engines, tinatype mo ang search terms na gusto mong hanapin sa search box. Matapos mong ma click ang enter, ay ididirekta ka ng browser sa search engine results page na kung saan naglalaman ng mga listahan ng sites na may kinalaman sa search terms na tinype mo.
Kalimitan na ang unang result ang kini-click ng mga searchers dahil iniisip nila na ito ay ang pinakamalapit o relevant sa topic na hinahanap nila. Marahil nakakapagtaka kung paano nagagawa ng isang site owner na mailagay ang kanyang site sa pinakaunang pwesto na ito. Ito ay dahil sa isang technique na tinatawag na Search Engine Optimization (SEO).
Ang Search Engine Optimization ay tumutulong upang mapataas ang ranking ng isang website at maging madali para sa mga potential customers na hanapin ang website na ito. Sa makatuwid, ang SEO ay tumutulong upang maparami ang traffic ng isang website.
Ang SEO tagalog tutorial na ito ay para lubos na maintindihan ng ating mga Filipinong mambabasa kung ano nga ba ang search engine optimization. Subalit bago tayo pumunta sa mga kumplikadong SEO topics talakayin muna natin kung paano tumatakbo ang isang search engine.
Ang search engine ay gumagamit ng isang software na tinatawag na crawler or spider na siyang sumusunod  sa mga links mula sa isang page patungo sa susunod at nag-iindex ng mga text at impormasyon na kanilang masasagap. Ang mga crawlers at spiders na ito ay hindi kayang mag-index ng mga litrato, JavaScript, flash sites at mga sites na nangangailangan ng passwords o logins.
Ang mga pages na na-index ay inilalagay sa isang database na kung saan pwedeng ma-retrieve para sa future use. Ang prosesong ito ay napaka kumplikadong para sa isang tao ngunit hindi sa mga search engines. Subalit may mga kakulangan din ang mga search engines dahil may mga pagkakataon na hindi nito lubusang naiintindihan kung ano ba talaga ang hinahanap ng isang searcher. Kaya diyan pumapasok ang konsepto ng Search Engine Optimization. Bilang may ari ng isang website, tuntunin mo na i-optimize ang iyong site para maging madali sa mga search engines na i-classify ang iyong website.
Bawat search engines ay gumagamit ng iba’t ibang klase ng algorithms para makalkula kung gaano ka relevant ang isang page sa isang search term. Ngunit laging tandaan na halos lahat ng search engines ay gumagamit ng mga factors gaya ng metatags, keywords density at links.
Isa pang pakatandaan na ang mga search engines ay malimit mag update ng kanilang rankings at algorithm. Iyan ang dahilan kung bakit dapat mayroon kang permanenteng SEO campaigns at efforts upang mapanatili ang iyong mataas na ranking at posisyon sa search engine results page.
Para sa iba pang mga SEO tagalog articles, panatilihing nakasubaybay sa blog kong ito.
















