Hashtag Respect daw.
So pag nag hashtag ba ako ng #RespectAndreaBrillantes ibig sabihin nirerespeto ko na sya?
Kahit sino naman pwedeng gawin yon, pwedeng sabihin, napakadaling ipost non pero ang totoo nakaka uso lang sila. Kasi kung totoong may respeto ka, bakit kailangan pang pag-usapan?! Hindi mo nalang sarilihin. Kailangan alam ng buong mundo na nirerespeto mo siya? Para ano? Sabihing nakikisimpatya ka? Bakit hindi nalang yung mga sariling issue niyo sa buhay yung problemahin niyo? bakit kailangang yung iba pa? Ano bang mapapala sayo nun? Ikaka-sikat mo ba yun? Magkakapera ka ba dun? Yes, may matututunan tayo dun pero it doesn’t mean na kailangan subaybayan mo lahat ng pangyayari sa buhay nila. Sabihin na nating sikat at  maganda, pero tama parin bang pagpiyestahan niyo ng ganon at pag usapan sa social media? What if may kapatid kang babae o yung nanay mo? Ano mararamdaman mo? Tangina diba?! Tao lang din naman siya, nagkakamali. Palibhasa hindi sayo/sainyo nangyari kaya ganyan kayo.
Hays. mapapa’people-now-a-days ka nalang talaga.












