Bear Brand
Pilit kong hindi tumingin at isipin. Pinilit kong iwan at kalimutan. Kahit na ang pagpilit ay mahirap, masakit. Hindi rin naman ako sigurado sa kung anong meron tayo. Pero sana, sana hayaan mong maiparamdam ko ang aking pagmamahal. Gusto ko lang namang mahagkan ka, at hayaan ang lahat ng problema na mawala nang sandali. Sa ganong paraan, sana maramdaman mong may nagmamahal sa iyo. Sana maramdaman mong mahal na mahal kita.














