Good News! Sa tulong ng MAKABAGONG TEKNOLOHIYA, tapos na ang panahon ng REPUBLIKANG WALANG PLAKA! MAAARI NANG MAKUHA ang mga plaka para sa mga 4-wheel vehicle na in-apply noong ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang nitong Abril 2019. Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, sa ngayon, umabot na sa 1,774,474 na pares ng plaka ang nagawa ng bagong automated at manual plate-making machine ng ahensya. Giit ni Asec. Galvante, bibili pa ang ahensya ng isa pang plate-making robot para punan naman ang kakulangan sa plaka ng mga motorsiklo. Kayang mag-produce ng bagong plate-making robot nang aabot sa 700 plaka kada oras. Dagdag pa ng LTO Chief, sa Luzon ready na ang mga plaka hanggang Disyembre, maliban sa NCR, Region 3 at 4A na may plaka hanggang Setyembre 2019. Kukumpletuhin daw ang mga ito sa mga susunod na buwan. Sa bahagi ng Visayas at Mindanao ay ready ang mga plaka hanggang December 2019. Target ng ahensya na sa darating na Oktubre, mabigyan ang lahat ng sasakyan, bago man o luma, ng bagong plaka. Samantala, patuloy na tinatapos ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng bagong batas na ipinasa ng Kongreso para sa plaka ng mga motorsiklo. #DOTrPH 🇵🇠#RoadSectorWorks #ComfortableLifeForAll #PartnersForChange https://www.instagram.com/p/Bxwzw1oBHyE/?igshid=1ha1or1qrpo6j













