Condolence po.
Hindi ko alam kung ba't ako naiiyak e hindi ko naman kilala yung blogger na yun. Ngayon ko nga lang nalaman yung URL niya e. Siguro natatouch lang ako sa mga kaibigan niya or sa mga followers niya. Or siguro naalala ko lang din yun namatay ko ding batch. Ay basta, ayoko ng magdrama. Sayang. Oo, sayang. Yung mga taong deserve pang mabuhay, sila pa yung nauunang namamayapa. Haaay. Pero siguro eto na din yung mas nakakabuti sa kanya. Siguro ayaw na din patagalin ng Diyos yung paghihirap niya. Guys, everything happens for a reason. Sa mga tropa niya, be strong po. Napakaswerte niyang tao dahil mahal na mahal niyo siya.











