"In every mountain climbing, it is not always about reaching the summit, it's definitely about the experience. To see, feel and survive the harshness of this awesome mountain is already a feat that you should treasure.”
- Kathy Seraspi (FB post)
Mahabang kwento to. Minsan na lang kasi.
Hindi ko kinayang maakyat yung summit hanggang Peak 2 lang ako kasi ang sakit na ng puson ko Bes! Hahaha.
I didn’t have that bonggang emote pictures with the sea of clouds, di rin naman ako mahilig magpa-picture. Hahaha. Meron ata sa camera ng iba pero ako ilang shots lang ang meron kasi andami kong pagod at eto yung ilan sa mga gala na nakakatamad kunan sa sobrang ganda ng view. Ganon!
Let me share some stories and reflection.
Preparations for the climb, putting some investment sa mga bagay na alam mong magagamit mong pangmatagalan, hiram-hiram sa iba para di magastos at mag-improvise ng kung ano ang pwede. In short, maging wais. Hahaha.
Byahe papuntang Pasay, nawala ako! Hahahaha. Nakarating ako ng Baclaran ng wala sa panahon ng alanganing oras. Grabe, salamat Lord di mo ko pinabayaan. Hindi ko talaga alam saan ako susuling nun. Ang dilim, feeling ko di sumasayad ang paa ko sa lupa sa sobrang kaba. Di ko malabas ang phone ko baka ma-snatch pa. Nagmadali akong maghanap ng taxi at nagdasal na sana mabait yung driver. Hayayayay! Buti na lang mabait si kuya at naihatid ako sa terminal na dapat kong puntahan. Thank you Lord!
First to try the deluxe bus going to Baguio, aba eh.. masaya! Lakas makamayaman ng feeling.. comfy!!!! Hahaha.. I’ll try it alone next time.. promise!
Baguio welcomed us with that chilling breeze. Brrr! Sarap wlang ganitong lamig sa Manila. We went to DENR office before going to Ranger station for some briefing and orientation. Andami naming aakyat! Sea of clouds with the sea of people.
Eto na.. eto na yun! Ready na ang tent at nagprepare na ng gamit para sa malamig na gabi. May konting photo opp ng sunset dun sa burol somewhere there. Hahaha.
Ang lamig nung gabi, longest night ever.. dapat gigising kami ng 1am para magstart ng umakyat para sa sunrise.. pero maiidlip ako tapos pagcheck sa phone 10PM lang.. Nagva-vibrate buong katawan ko sa lamig eh apat na patong na ng lahat ang suot ko! hahahahaha.. Hindi po OA. Pawang katotohanan lang. Tulad ng sinabi ko, improvise lang yung ilang sa dala kong gamit. Hahaha.
Start na ng trek. Habol hininga at nilalabanan ang lamig. Gamit ang headlamp sa noo, one step at a time... biglang pumasok sa isip ko yung verse na...
Your word is a lamp to my feet and a light to my path.
Psalm 119:105
First time ko maghike ng madilim, dati sa Mt. Gulugod Baboy, maliwanag..most of the time ang susundan mong daan eh yung nagli-lead sayo. You can see everything yung haba pa ng lalakarin, yung bangin kung san ka pwede mahulog.. pero tong hike na to? yung ilaw lang na nasa ulo mo ang meron ka.
Naihalintulad ko tuloy sa buhay ng totoong Kristiyano dito sa madilim na mundo.. our daily relationship with the Lord is the same as a night hike, His word is your guide sa daan.. walang iba kang aasahan..Yung salita Niya at personal mong relasyon ang unang kakapitan mo. Nakakatakot hindi ko alam kung hanggang saan ang layo ko sa bangin pero sa mga panahong yun sigurado ako at kampante kasi may headlamp ako.
Sa gitna ng daan may makakasabay ka, make sure to surround yourself with people that can help you positively. Seryoso, nakakahawa kapag bad vibes lagi ang nasasagap mo, nkakadagdag ng pagod. Kapag puro complains, mako-consume ka at bibigat din yung pakiramdam mo kahit alam mong kayang-kaya mo pa.
Yung trek from Camp 1 to Camp 2, I was able to be next to our tour guide and a couple of legit mountaineers. Naappreciate ko si Ate kasi binabagalan niya rin talaga at todo alalay sakin sa daan. Tapos yung dalawang namumundok eh nabo-bore kasi nga ang bagal. hahaha. Una, naintimidate ako but eventually.. naisip kong i-push ang sarili ko at wag na lang magpahinga hanggang makarating ng Camp 2. At wow, nakarating kami ng mabilis.
Take it as a challenge instead of dsicouragement. Push lang!
Tulad sa spiritual life, be with those people that will guide you and push you to your limit! Yung iga-guide ka at icha-challenge ka rin. Hindi ka ibe-baby lang lagi ibe-baby. Open rebuke is greater than secret love! Tandaan mo yan.
--- Hindi ko na masundan ng maayos na pagtatapos hanggang sa makababa ng Peak kasi nawala na ko sa momentum, haha.. after 6months ko na kasi to nakita sa draft ko. HAHA. Sorry.