Graduate na ako kahapon, yehey! Though may board exam pa (na sana ipasa ko na once and for all nang matapos na ang kalbaryo ko), masaya ako na matapos na. After 20 years of studying (kasama kinder), eto na ako. Hahahaha.
I feel na I've come so far at 'di naman mangyayari 'yun kung 'di dahil sa support ng parents, friends, at mga ibang tao na naging parte ng buhay ko gusto man nila o hindi. At kahit hindi ginagarantiya ng pag-aaral ang magandang kinabukasan, masaya akong matapos sa mga degree na 'to, at masaya akong makapagtapos sa magagandang paaralan.
Thank you sa lahat!













