November 3 na. Mamayang mga 8-9AM gigising ako. Tapos mag-aayos, kukulitin yung tito ko na pahiram yung fone niya. Nalulungkot ako kasi gusto ko tlgang magsoundtip bukas ng 1D kaya lang di makasend tong laptop ko hindi ko alam kung anong problema. I can't find my memory card naman. Haaaay. Star City, sigurado ako this day's gonna be an awesome one, and tiring, and... lagasan ng pera. Sana hindi naman. I always get attracted to stuffs around me especially yung mga pambata tapos yung iba super cool. Okay pati sa ballpen naaattract ako. Hahahaha. Sigurado namang bago makapunta dun sa outside rides magsspark na yung mga mata ko. Hahahahaha. Masaya ako ngayon di ko alam kung bakit, siguro sinimulan to nung paggising ko past 2pm, nagisip isip muna ko tapos nagopen kaagad ako ng laptop, tapos twitter, shocked kasi nireplyan ako ni Charice. Trip ko lng naman kasi yung sinbi kong "people always tell me i look like @Charice". Pumasok lang bigla sa isip ko yun kagabi nung nakatambay ako sa sala, tas nagpipicture kasi ako. Hahaha. Tas ayun okay. Na-good vibes pa ko sa sinabi niya. Well I take it as a compliment naman eh, naiinis lang ako minsan kapag paulit ulit sinabi sakin. Like please stop.
Tas nagtuloy tuloy na nung nakachat ko yung two of my CRAZIEST and libogest friends. Hahahahahaha okay joke lng yun pero siraulo sila. Nung tinawag ako bigla nung makapal mukha na nagpapalibre na 'Chang'. Napapangiti talaga ako kapag tinatawag akong ganun ng mga kaibigan ko. Sanay naman kasi ako sa family kaya ayun kinikilig ako konti pero nattuwa tlga ko. Tas hanggang sa nagsoundtrip ako ng 1D plylist -- nakakarelax yung boses nila. Super.
Tapos hyper pa ko nung hapon, hindi ako naglunch di rin nagmerienda. Isang munchkin lang. Bigla kong nawala sa mood after ng dinner. Di pa rin ako nakakaligo hahaha. Ewan ko ba bigla akong naging tahimik tas ang sungit ko bigla. Tas ngayon okay naman na. Ordinary na ako lang. Yung walang pakeelam sa paligid ko tas tahimik.
Wala na kong masabi. Ang random ko ngayong araw na to haaaaay.
Ahmm 2 days na lang pala psukan na naman. Ayoko na sanang magreact pero... di ko lang tlga mapigilan. Tangina. Di pa ko handang malaman mga scores ko lalo na sa Filipino. Tangina grabe sobra kinakabahan ako. Tapos gigising na naman ng maaga haaaay tapos puyat na naman kasi may mga tests, assignments, projects. Ohai priorities.
Haaaaaaaaay. Nagbabago na talaga ako. Ayoko nang may binubully. Pero minsan kapag di ko din trip nabubully ko rin. Pero not like before na, sobra, tas hindi na rin yung kahit di ko trip ibubully ko just because my friends are doing so. Ayoko tlga ng ganun, yung kung anu anong sinasabi. Lalo na kapag stranger, malay ba natin kung may pinagdadaanan yung taong yun tapos binubuly pa. Tapos parang iniimaine ko na lang yung sarili ko sa place nila. Ayoko ng ganun, alam ko kasi di maganda sa pakiramdam yun.
Parang wala na rin ako pakialam sa paligid ko. Mas gusto ko yung tahimik ako. Lagi akong tinatamad magsalita. Hindi ako makapaniwala na ganto na ko ngayon, yung dating sobrang ingay at daldal na ako gusto ng tahimik ngayon. Katulad na lang ng mga birthday ko. Dati gusto ko kasama ko friends ko or kaya maghahanda sa bahay pero ngayon gusto ko tahimik di naman yung parang balewala na yung birthday ko parang gusto ko yung di masyadong magulo. Basta.
Hmmm ano pa ba. Yung One Direction. Ang cool tlaga ng friendship nila. Yung strong tlga sila. Ang cute. Ang gagaling pa nila lahat. Pinakagusto ko si Harry. He's REALLY REALLY CUTE. Tapos nakakatawa silang lahat. Minsan natatakot ako sa boses ni Liam kapag nagsasalita siya. Nagpplay sa utak ko. Ewan ko pero I like his accent... actually lahat ng sarili nilang accent. British Accent is always hot. Irish Accent! And ang cool nung Irish Dance ni Niall. Nakakatawa yung mga funny moments videos nila sa youtube. Ang saya saya nila tignan. Tpos yung pati sa stage nagkukulitan sila. Hahahaha natawa ako nung nadulas si Harry. Tapos pinakanatawa talaga ko yung pinapalitan nila yung lyrics LIVE. Yung Scooby Doo at wrong size shoe sa Gotta Be You. Si Harry yung sa tingin ko pinakamadaming mali dun. Ang COOL TALAGA SOBRAAAAA!!!!! Ang galing pa nung blend ng boses nila. Hindi lang naman dahil sa pogi sila kaya ko sila gusto, kasi magaling sila tapos yung mga kanta nila ewan lakas ng impact sakin lalo na yung mga solemn kahit yung di masyadong soft. Basta naiiyak nga ako sa Little Things talaga. Natatawa rin ako sa twitter description ni Liam, its on like donkey kong. Kapag naaalala ko yun natatawa ako kahit kapag kumakain. Hahahahahahahaa
Tapos yung gingising nila sa Harry at Zayn nakakatuwa kasi ganun ako. Ang hirap pabangunin. Haaay sigurado akong sobrang bait nila. Tapos yung napranked si Harry, Liam at Niall na manganganak na yung host, tapos kakuntyaba? ba yun si Louis at Zayn. Sobrang concerned talaga si Harry tapos si Liam din. Natatawa ako kay Niall kasi sitting pretty siya like 'ok what'. Pero alam ko naman nagaalala din siya. Nain love tuloy ako lalo kay Harry. Nakakatuwa talaga sila yung mga bonding moments nila di ko mapigilang tumawa. Siguro kapag malungkot ako, I'll just think of their strong friendship na lang and yung mga moments nila para mapangiti ako.
You're beautiful. Alala ko si Charice. :)
Pero gusto ko talaga makasama OneD boys yung hindi lang sa concerts, shows. Haha ewan ko. Isa na yan sa mga pangarap ko. Someday, I swear.
Ang dami kong pangarap. To be on the spotlight. Dreamer talaga ako. Gusto ko yung magspread ng message thru music. To be one of the HW stars. Hahahaha oo believe it or not I want to be one of those celeb stars. Gusto ko rin maging model. Kaya lang mliit ako pero hahaha okay lang. I want to be on a mag cover. I want to attend awarding nights from different countries. Tapos pag mayaman na ko papagawa ako ng bahay. May pool, may entertainment room, mini bar basta mdami. Tapos gusto ko rin ng laruan na room. Hehe. Music room, gym. Tapos lahat yun may mga maintenance. Basta yung complete. Tapos I want to travel to dif places kasama Harry Styles. Hahahhaha okay basta. Di lang siya madami pang iba.
Magiging sexy din ako. Di ako contented sa curves na to, hahaha yabang. Pero gusto ko tlga magpapayat kasi tumatba na ko pero hindi ngayon. Bata pa naman ako. Magiging sexy din ako yung sexy tlga. Yung sexy na tama lang hindi yung sobrng sexy.
Di ko alam kung bakit hindi na ako duwag masyado ngayon. Sa sala lang pala namin kasi kapag ako yung nahuhuli ako yung magpapatay ng ilaw tapos natatakot ako. Yung dati 5 minutes akong nakatayo bumbwelo para patayin yung switch ngayon parag wala na lang. Pero mdalas sa hagdan ako natatakot, kapag nakikita ko yung gilid ko tapos yung sala at dining area feeling ko may bata. Ewan.
Takot talaga ko sa mga batang mumu. Yung kaklase ko kasi nakwento may experiene daw sila nakatingin siya sa salamin tapos kita yung baba ng kama tapos biglang may... di ko lam kung itutuloy ko p tong kwento n to kasi natatakot ako okay... tapos may biglang... ayokong ikwento natatakot ako.
Mahilig ako sa babies sobra. Gusto ko Darcy Megan pangalan ng una kong baby. Okay ang ganda kase bla bla. Hahaha di ako sure sa Darcy. Ewan basta gusto ko Megan ang ganda ganda eh. Pag wala ko magawa nagiisip ako ng babies, yung mga cute na babies tapos mapapangiti ako bigla. Ang cute kaya ng babies super.
Ang sarap pala ng ganito, random lang yung post. Di na kelngan magisip ng mga ittype pra maging okay yung post and connected. Kung ano yung pumasok sa isip type kaagad.
Nagugutom ako pero matutulog na ako kasi baka mahirapan ako gumising mamaya. Ang ganda pala ng susuotin ko bukas na top. Long sleeves siya, binili ni ate. Inutusan ko siya syempre pera ko. Siya kasi magastos kaya di masyadong binigyan ni mama at birthday ko kaya lakas loob makagastos. Hahaha. Magtitipid na ko talaga.
Bukas ko na lang ichecheck yung MV ng Little Things wala pa ata eh check ko bago ako magout. Naeexcite ako. Aw mahal ko si harry styles. Hahaha. Who wouldn't love him. He's funny, cute, kind and ya too many to mention. Di naman ako kay Harry lang attracted sa kanilang lahat lang pero diba nga you can like many boys but not equally. Si Harry talaga yung una tapos yung pangalawa silang apat. Hehe. Oo dalawang degree ewan basta silang apat pantay pantay, medyo contradict pero ganun eh.