Third Year
Minsan kailangan mo din ilabas sama ng loob mo.
Akala ng iba wala lang para sa akin na may bagsak ako, and to think na hindi pa lahat ng subjects nabigay na. Hindi ako nag aalala? Ayoko lang alalahanin pa yung mga dadating. Kasi mas lalo lang masakit.
Isang beses na akong bumagsak, Chem123 pero wala akong hard feelings against sa mga classmates or prof ko. Pero bakit iba ngayon? Yung midterm nakadale sakin sa Econ. Nag aaral ako nun tas biglang sumabay si Pareng Problema, ewan ko ba bakit bigla kong naisip nun yun. Di na ako nakapag review ng ayos kasi naiyak nalang ako. Nung day naman ng exam sumabay ang prayer vigil with speakers pa, ano ba naman diba?
Monday nung malaman ko result nung midterm ko kahit friday pa meeting. Pero nung mag-quiz na ulit kay Sir Abs sabi niya “Galingan mo ah!” Syempre! Namotivate ako kasi sabi ko ‘Yun! May pag asa pa!’ Hanggang sa sige lang umabot ng finals. Kuhanan na ng grades. Madaming naging ups and downs ang decision nya, ang hirap kasi ng damay ka sa pangungulit ng iba.
For the second time nakita ko si 5.0. Ang hinanakit ko lang nag aral ako pero bakit yung all the way DR lang sila pa yung umabot sa grade para sa project? OO! NAG-DR AKO! QUIZ4 AT FINALS. Formulas. Muntik pa ngang mahuli yung nasa Calcu ko. Hindi naman ako nagmamalinis. Pero naman, ang sakit isipin. Madami akong pagkukulang. Feeling ko nga ang BOBO KO NA EH, O KINULANG AKO SA KATULAD NILANG DISKARTE?
Hindi ako galit sa nagbigay sakin ng 5.0. Galit ako sa sarili ko kasi hindi ako nagdala. Nadala lang yta ako nung 2ndyr at wala akong binagsak. Pero sa susunod, ibigay lang talaga ni Lord yung Circuits(Sir Nonie, mahabag ka pls!) At yung Electronics. PROMISE! AAYOS NA AKO. Iwas kyeme ndin at iwas problema. Sana mdamay nadin yung CAD na nambabagsak din.
PAPASA TAYO! ✊











