Master of Business Administration (MBA or M.B.A.)
The core courses in an MBA program cover various areas of business such as accounting, finance, marketing, human resources and operations in a manner most relevant to management analysis and strategy. Most programs also include elective courses.
Hoy ex, (ex-friend, ex-bf, ex-officemates, ex-classmates) may Masters degree na ako.
Wala lang. Wala naman dapat kahangaan sa akin. Graduate lang ako, pero hindi ko naman ito naisapuso unlike ng accountancy. May natutunan pero sa tingin ko hindi qualified para magkaroon ng degree na ito. Alam kong mali, alam kong hindi makatarungan, tinuloy ko pa rin kasi shortcut.
Honestly, hindi ko talaga alam kung para saan ba ang MBA: pampadagdag ng sweldo, dagdag kaalaman, pam-promote para maging eligible sa managerial position, pandagdag ng pangalan, para . Nakapagtapos ako ng hindi ko ito nalalaman. Pero yun nga natapos ko nga at ito ang journey ko dito.
Pumasa ako ng October 2012 as a CPA. June 2013 nagstart na akong magturo sa Alma Mater ko. Maliit lang ang kita non. 300/hour ang refresher class.
November 2013 in-enroll kami sa MBA course since required ng CHED ang masteral para sa mga professors. So nagtuturo kami habang naka-enroll. Once lang kami pumasok ng klase nung Doctor. Tapos pinagpapasa lang kami ng 3-4 reports per subject at the end of the semester. 9 units muna (3 subjects). Pinagbayad kami ng 500/subject at the end of the sem kahit wala kaming natutunan. Yung tuition fee namin libre lang. Miscellaneous lang ang babayaran, hindi pa sinisingil agad. So okay lang kako.
Following school year 2014-2015, nagturo na ako ng undergraduate na subject, Law 1: Obligations and Contracts. Eto yung time na minamahal ko ang pagiging abogado. In-open sakin ng bf ko ang idea na maging CPA-lawyer at nag-grab ako ng opportunity para maaral ko ‘to since ituturo ko. 80/hour lang ang kita ko dito. Lugi pa ako sa pamasahe at pangkain pero kasi ang iniisip ko na lang makakatulong sa’kin ‘to sa Law journey ko at syempre tulong sa estudyante. 100+ yung estudyante ko take note. XD Patuloy pa rin akong naka-enroll sa MBA. Hindi ko pinapansin. Nagpapasa lang ako ng reports (12 units na kami/4 subjects) at nagbabayad. Wala na sa akin kung may natutunan o wala. Basta ako nagtuturo ng maarangal. :)
Hanggang sa umabot sa school year 2015-2016, continue pa rin ako sa pagtuturo ng Law at Refresher class. Last enrollment na namin ito ng MBA namin. Sinimulan ko na ring bayaran ang balance ko sa Miscellaneous Fees. Ayoko na kasi kaltasan ako sa sweldo ko. 2nd semester ng school year na ito, nag-apply na kami (4 lang) ng candidacy for graduation. Dito ko na naramdaman na, ay MBA na pala kami. Yun na yun. Nagkaroon na kami ng comprehensive examination (all subjects). Dito talaga ako nag-aral at nagbasa basa at nagpuyat para may maisagot sa examination. At naglagay.
Tama po kayo ng narinig, naglagay talaga kami. This is the first time in my life na nagbayad ako para serbisyo ng ibang tao with malice or in bad faith. Kelan? May nagbigay kasi sa amin, 1 day before ng examination, ng leakage, o sagot sa mga itatanong. Kusa naman nyang binigay kahit hindi namin hiningi. Then nung araw ng examination sabi nya bahala na daw kami kung magkano ang ibibigay. Binigyan namin sya ng 1k. Next is yung facilitator. Dahil nga sa sobrang hirap ng examination (10 situational questions for 11 subjects in two days, ESSAY). Sobrang maga na ang kamay ko at hindi rin alam ang sagot. Ang suggestion samin ng OIC, maglagay daw kami at magpapizza. So yun nagpa-pizza kami at naglagay sa facilitator ng 5k.
Ako talaga uneasy ako nun at kinakabahan. Haha. Baka kasi kumanta eh. Yari pa kami. Baka mawalan kami ng lisensya. Pero ginawa na lang namin. Feeling ko kasi kailangan naman talaga sa buhay yun. At investment din naman yun.
Wala pa man yung result ng examination, pinayagan na kaming grumaduate. :)
Computin ko lang magkano nagastos ko sa masters na ito:
Miscellaneous fees 11,500
Tutorial fee (15 subjects * 500) 7,500
Nonetheless, okay na din siguro ito para sa hirap ng pinagdaanan namin, kailangan ko lang makuha yung TOR at diploma para magamit ko na yung MBA ko. Plus, pwede pa ako maaccredit ng BOA (Board of Accountancy). Sa ibang post na lang yung next kong plano. Ciao~