Pointless Hangout with my Pointless Friends
So simulan muna natin itong post ko sa pinaka umpisa.. :))
Sinundo ko si Babe(@doodle-my-name) dun sa kanila kasi pupunta siya sa school to meet Ivy. Gagawa kasi sila ng thesis. Since lunch time na rin naman nun, nagdecide kaming maglunch sa may SM. Sbarro sana kakainan namin pero bigla nagbago isip namin kasi nakita namin yung picture nung Burger sa Burger King mula sa may parking lot. Kaya ayon! Doon kami nagdecide maglunch.
Then after namin maglunch, naglakad lakad muna kami sa mall. Nagtataka kaming dalawa kasi sobrang daming tao at sobrang daming jejemon sa mall kahapon. As in sobrang dami. At grupo grupo pa. :)) Sabi ko nga kay Babe may Text Clan Eyeball na nagaganap sa SM Dasma kaya andaming jejemon dun nung araw na yon. Tapos, tinext na ni Babe si Ivy na nasa may Watsons lang kami para dun na lang niya kami pupuntahan.
Pero nagdecide na kami na dun na lang sa school magkita kita. So ayun na, nasa school na kami. Nung kasama na namin si Ivy, nabanggit niya na nakita niya raw si Pat(@xscissor) sa school, kaya kinontak ko naman si Pat. May itatanong pala siya about dun sa activities sa Lasallian week kaya siya napapuntang school. Tapos sakto, si Melsa(@putingsinungaling) eh nasa school rin kasi may Saturday class siya. So habang nagawa sina Babe at Ivy ng thesis, naguusap usap muna kami nina Melsa at Pat tungkol sa mga kung ano anong bagay. Napasama pa nga yung teacher namin sa THE nung HS eh. Sobrang epic kasi ng experience namin dun. Andyan yung naituro niya sa aming "FUNNEL DISCUSSION" at syempre ang "WET FLOOR" a.k.a Wheat Flour. Tapos panay lang yung kantyaw ko kay Melsa na ituloy namin yung healthy living namin, tutal malamig naman kahapon at need naming magpainit kaya dumiretso kami ng Starbucks! Pero bago kami dumiretso dun, dinaanan muna namin si Nay Nash(@akosinashyboy) sa kanila. Sumigaw pa man din kami sa tapat ng bahay nila, andun pala siya sa kabilang bahay. Tapos ayun, nagbihis siya agad at dumiretso na kami ng SB.
Ayaaaan! Nasa SB na kami. Kinokontak namin si Maui(@maluhree) kasi paniguradong game siya sa mga ganitong biglaang lakad. Kasoooooo, nalimutan namin na nagpalit na siya ng number so nung kinokontak namin siya, yung old number tinatawagan namin. Eh nagriring naman kaya di rin namin napansin. Tapos ayaaaan, nagpicturan muna kami. Syempre its a memorable day dahil may nangyari nung araw na to na di basta basta maipaliwanag. :))
Ako yung taga kuha so wala ako.. Kaya sumolo pic ako para naman masabing kasama ko nung nangyari ang moment na yon.
Tapos lahat ng mga nangyari sa SB ay di ko na sasabihin. :))))
Theeeen, uwian time. Ihinatid muna namin si Babe dun sa may ministop malapit sa kanila kasi hinahanap na siya sa kanila. Tapos dumiretso kami ni Nay Nash kina Maui por a supplies visit. Habang nasa daang hari at masaya kaming nagkukwentuhan, bigla na lang may tumambad na patay na aso dun sa kalsada tapos dinaanan ko na lang kasi di ko naman maililiko yung sasakyan. Kapag niliko ko, matatamaan ko siya so dinaanan na lang namin siya. Kaso biglang sumabit yung pad sa may ilalim ng bumper ko, eh sira na yun tapos akala namin ni Nash nakaladkad namin yung aso. Grabe lang kaba namin. Hanggang sa makarating kami kina Maui, inaalala namin kung nakaladkad ba namin yung aso. Tapos nung chineck namin yung ilalim, may mahabang nakasabit sa ilalim ng kotse. Eh parang binti nung aso yun. Tapos nung finlashlightan namin, yun lang pala yung pad sa ilalim na bumigay na talaga. Kaya ayun, ginupit ko na lang yung sirang pad gamit yung panggupit ng halaman nina Maui. Tapos after nun kumopya siya ng series na inabot ng isang oras kaya nagtagal talaga kami dun. Habang nagkokopya, chineck namin yung dry humping scene sa Going the Distance, yung scene na pag di mo ininvite ang bampira sa loob ng bahay mo duduguin katawan niya sa movieng Let Me In, yung nakakakabang scenes sa Insidious at yung "bavarian" scene saVan Wilder.
Sobrang saya lang talaga kahapon. Biglaang tambay with Pointless Friends is the Best. Sobrang saya lang kasi nakasama ko ang Babe ko at ang mga kaibigan namin kahapon. Sa 18 ulit guys!! More happenings to come okay?! Love you! XD