Noong bata pa ako, minsan ay nangarap akong mapasama sa "Little Miss Philippines" at sa mga beauty pageants. Tuwang-tuwa kase ako mag-ayos noon at magsuot ng gowns o dresses. Pakiramdam ko nakakaganda at nakakatuwa magrampa. Pero mahiyain ako noon at alam ko na hindi rin papasa sa pamantayan ng lipunan yung itsura ko... Kaya pag may pagkakataon lang, masaya na akong makapagsuot ng magarang gown.😁 Hindi man natupad ang pangarap kong iyon noong bata ako... Masaya ako ngayon bilang isang Financial Advisor sa Sun Life...Dahil dito, alam kong maraming buhay ang maari kong mas mapaganda at mapaliwanag. Hindi ko kailangan ng pag-apruba ng lipunan sa pagtulong sa mga tao na maghanda para sa kanilang kinabukasan. Basta bukal sa aking puso ang pagseserbisyo at pagtulong sa kapwa, alam kong hindi lang itsura ko ang pwede "gumanda" dito, pati buhay ko at ng mga tao sa paligid ko at mga makakasalamuha ko. Dahil tunay na nakakaganda talaga pag masaya ka sa ginagawa mo... ang makatulong sa kapwa at maipamahagi sa kanila ang masaganang bukas. Kasama ko ang aking mga mentors, sina SM Vange at UM Sheryl, alam kong malayo pa ang rampa, pero kakayanin ko ito. Lalaban ako para sa Passion NBO. #PassionNBORising #OneDreamOneTeam #PassionJOYinservice https://www.instagram.com/p/CUxb29hBYZcZmj-qXXUZc_zdwuyrrkF-tlb5bE0/?utm_medium=tumblr