Panaginip
Nasa isang classroom kame(ako at siya). Hindi ko alam kung magkaklase kame or ano pero andun kami pareho. Magkaiba kami ng sinasamahang grupo. Pero mukang okay naman kami. Pinuntahan ko siya kung saan siya nakapwesto, sa bandang likod, kulitan, kwentuhan, tawanan. Tas ang sunod kong alam, hawak ko na yung fone nya at pinapakelaman ko na, sabay sabi niyang, "Si John nga pala, yan yung bago ko." ako, tulala kong nasabi, "sino? ulitin mo nga." sabi nya, "Si John, siya yung bago ko." Tas biglang tumahimik at unti-unting dumilim yung paligid. Tas nagising ako ng mabilis ang tibok ng puso at hingal na hingal na mukang kakagising lang sa bangungot.
Hindi ko alam kung san nakuha ng utak ko yung pangalan na John o Jan. Pero ngayon lang ako nakaranas ng panaginip na pinangalanan yung hindi ko kilala.
Bangungot.












