Isang tulang valedictory (at sabog)
Ibalik n'yo ako sa pinagmulang abo.
Huwag na huwag ninyo akong
Akong nagpabaya sa sarili,
At sinobrahan ang mga di dapat sobrahan.
Iwaras nyo ako sa lupang tatamnan
Sa isang malapit na gubat o tamnaman
Na malayo sa mga lumipas na kakilala.
Ng bungkos ng baby's breath
Ngunit tanging pamilya lang
Ang pwedeng makalaman at makabisita.
Mamatay dahil sa sarili at
Hindi dahil sa pag-aalay ng buhay—
Isang malaking posibilidad.
Dahil sa pag-aalay ng oras,
Pawis at dugo para sa kinabukasan,
Huwag ninyo akong ilagay sa ataul,
At hayaang makita ng sambayanan
Ang mapang nabuo ng sugat at dugo
Isang paalala na may sa demonyo
Ang sa aki'y lumapastangan.
Hanapan ninyo ako o tamnan
Dahil ako'y katiting lang na baga
Na napuksa ng ihip ng hangin—
Naglalagablab pa rin ang apoy.
Dahil sa sariling pagkitil,
Ibalik nyo ako sa abong pinagmulan
At paglamayan ng isang araw.
Masakit sa akin na makita
Kinain ang anak ng mga halimaw
Na dati'y natatalo ng kanilang pagmamahal.
Iwaras niyo ako sa banayad na dagat
Kasama ang ilang bulaklak ng zinnia.
Huwag na huwag niyong isama ang patak ng inyong luha—
Maisasama ko ito kung san man mapunta.
Sa kahit ano mang dahilan,
Alay ko sa inyo ay Puting clover
Tuloy lang, at sa muling pagkikita!