Kelan na nga ba yun?
Oo nga kelan ba? kelan ba ako nagsimulang mamuhay ng ganito. Mas madalas iniisip ang sarili pero kahit papano iniisip pa rin ang kapakanan ng iba. (hindi lang halata at hindi lang nila ramdam.) Kelan ba ako nagsimulang maging masaya, kampante at parang walang pinoproblema? Sa totoo lang hindi ko rin alam. Sguro gawa yun ng pagtalikod sakin ng mga kaibigan ko.
Nung mga panahon kasing iyon, labis akong nasaktan sa ginawa nila. initsapwera nila ako. masyado akong nagdamdam na halos gabi-gabi akong umiiyak, pero hindi nila yun alam. dahil doon, unti-unti akong nakaramdam ng inis, pagkamuhi at galit. nagagalit ako sa kanila sa ginawa nila. kinalimutan nila ako dahil meron na silang kaibigan. meron na silang ibang malalapitan at masasamahan.
Doon ako nagsimulang matutong kumilos mag-isa. Pupuntang canteen, magsi-cr, gagala, bibili ng kung anu-ano sa ever or sm ng mag-isa. At dahil doon, nasanay ako. Nakatatak na sa utak ko na hindi ko sila kelangan, dahil kaya kong mag-isa na sya namang napatunayan ko sa sarili ko.












