Week 1 - Entry #3 // 11-22-18
◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌
ONSEWin!!! So happy and so thankful!
Sobrang sayaaaaa talaga ng araw na ito pero its kinda boring nung una lol. Kasi maaga and wala pang gana mga students kaya di ganun kaactive nung una. Nagperform din yung dance troupe. And Nung nagcheer every batch, dun ko lang narealize na lahat pala talaga may cheer lol 😂 Pagkasi ongame di ganun ka-solid cheer ng g7, g8 and g9 :<. May bagong cheer din yung g12, yung 'tamaraw' to 'tama na raw' ang witty pero ang sad at the same time, since last na talaga nila na intrams to.
◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌
This is it! The awarding day! Skskskksksk sobrang kabado kami sa lahat lalo na sa field demo since sa day lang to namin malalaman kung ano place namin. Every time na may naaward sa batch ng g11, bigla nalang mag-ONSE ONSE ONSE cheer 💕 kaya madaming na-lss sa cheer namin eh 😂.
Btw, Champion g11 sa Chess (boys and gurls); Badminton singles & Doubles (girls); Vball (boys and girls); Laro ng lahi (Tie with g12); Table tennis (boys); 2nd place sa Bball AND CHAMPION DIN SA FIELD DEMOOOO.
I'm part of our field demo, kaya naman kabadong kabado talaga kami. Ang estimate ko kasi na place is 3rd or 2nd place, kasi maganda rin pinakita ng g12 and g10 na field demo and ayaw kong mag-expect ng malaki kasi masasaktan ka lang, char 😂. So nung inannounce yung 3rd place, sinabi g12 pero di parin kami makapaniwala na bakit 3rd lang sila? Kilala kasi yung batch nila as active, competitive and nagwawagi sila sa mga field demo palagi kaya di namin inexpect yun. So tumataas possibility na pwede kaming maging champion. Si ma'am sinapilo nagmmc that time, tas tinanong nya kung kilala ba namin kung sino champion. Tas tinuturo kami ng g10, na parang tanggap na nila panalo kami (ang cute lang;). Thennnn, ayun inannounce kami yung champion and we will perform sa cuneta next next week para sa division, siguradong pagudan na naman for practice netoooo woooo.
◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌ ◌
Sa intrams na to, andami kong natutunan and natunghayan. Mas natutunan ko yung mga sports and maging supportive sa mga players kahit anong mangyari; matalo man sila or manalo basta maipakita lang namin na suportado namin sila. Natunghayan ko din kung gano ka-solid yung bawat batch lalo na sa batch ng g10 and g11; ang extra and ang gagaling ng lahat. So far, ito na pinakabest intrams for me dito sa PaScie ♡.
Photo credits to the owner ♡